Eyelash tech nagbabala: Huwag sumubok sa hindi lehitimong lash specialist

Lahat marahil tayo ay nangarap kahit minsan sa buhay natin na maging maganda lalo na sa paningin ng pinapangarap nating pag-ibig. Bukod dito, ang pagpapaganda ay isa rin sa mga dahilan upang mas tumaas pa ang tiwala at kumpiyansa natin sa ating sarili.

Sa panahon ngayon karamihan sa mga babae ay nagme-makeup o naglalagay ng mga pampa-enhance sa mukha; mapa-pang-okasyon man ‘yan o papasok lang sa trabaho o paaralan. Sino ba naman ang gustong magpapangit, ‘di ba?

Ngunit iba ang naging kuwento ng isang netizen na gustong gumanda pati sa kanyang pilikmata. Sa kasamaang-palad, imbis na gumanda ang pilikmata ay nagdala pa ito ng peligro sa kanyang buhay.

Ibinahagi ng netizen na si AC Bundalian, isang eyelash at nail technician, sa isa niyang Facebook post na nagkaroon siya ng kliyenteng inirereklamo ang ipinakabit nitong eyelash extension.

 

Ayon pa kay AC, “Sobrang tigas, over sa glue. Medyo namamaga na eyes ni maam.” 

Grabe! Nakawiwindang na pangyayari! Nagpatulong sa kanya ang babae kaugnay sa nangyari sa eyelids at eyelashes nito.

Nagbabala rin si AC sa mga netizens na magnanais magpadagdag ng pilikmata na huwag basta-basta magtiwala sa mga nag-aalok na magkabit ng eyelashes extension lalo na kung wala itong sapat na kaalaman na maglagay at magtanggal ng mga ito.

“Reminder!! Wag na wag po kayong magpapalashes kung ‘yung lash tech n’yo walang tamang kaalaman sa paglalagay at pagreremove. Maawa naman po kayo, hindi ‘yung babarubalin n’yo ‘yung gawa basta kumita lang kayo. Walang natirang lashes kay maam sa left eye nya.

Ps. Hindi ko po gawa yan mga sis,” dagdag pa niya.

Walang sinabi kung kanino o kung saan man ito nagpagawa. Ang nakilala lamang niya na kliyente ay agad naman niyang natulungan.

May isang netizen ang nagkomento sa post ni AC at nagpasalamat.

Ang naturang post ay umani ng mga komento at humakot ng maraming reaksyon at nasa 8.1K shares na.

“Kaloka naman ‘yan bing… Mamamaga talaga mata niyan. Pasaway ‘yung gumawa .. Ang sakit n’yan!”

“Grabe naman dapat ‘wag nagmamarunong kung wala namang alam kawawa nman.”

“Omg sakit ‘yan”

“oh nooo!!!”

“Grabe naman may gawa niyan sakit niyan”

Isang paalala: Maging mapanuri sa iyong pagpapagawan. Mas mabuti na ‘yung mahal at lehitimo kaysa mura nga ay mapapahamak ka naman.

Post a Comment

Previous Post Next Post