Matapos magpagawa ng billboard at ipalagay sa Mall of Asia (MOA) Globe ang Pinoy Big Brother (PBB) memories ng housemates na sina Eian Rances at Alexa Ilacad, may panibago na namang ginawa ang fans para sa aktor. Sa pagkakataong ito, ipinangalan lang naman ng mga fans ang isang bituin sa celebrity streamer.

Sa Twitter, pinasalamatan ni Eian ang kanyang mga supporters para sa espesyal na handog ng mga ito sa kanya.
“Nagsimula kayo sa MOA Globe and now, literally, the space. Despite the circumstances, maraming salamat sa inyong patuloy na pagmamahal. Thank you for the [star] that was named after me,” pahayag ni Eian matapos i-share ang post ng isang grupo ng kanyang supporters.

Matatandaang kabilang din ang mga fans ni Eian sa mga taong gumawa ng paraan para magkaroon ng MOA Globe exposure ang love team nila ni Alexa na Aleian.

Aleian sa labas ng Bahay ni Kuya
Makulay ang mga pangyayari sa loob ng bahay sa pagitan nina Alexa at Eian. Naging malapit ang dalawa ngunit sinubok din ang pagsasama, kaya naman hati palagi ang reaksyon ng mga tao sa tuwing may nababalitaan tungkol sa dalawa. Gayunman, hindi nagpapatinag ang solid Aleian fans, kaya naman marami ang sumaya matapos mag-tweet si Eian ng New Year message para kay Alexa.
“The last few months have been a roller coaster ride, but all worth it kasi naro’n ka. Thank you for being you. Happy New Year, @alexailacad,” wika niya.
Bukod pa rito, magugunita na minsan ding nagpadala si Eian ng isang kahon ng rosas na may kalakip na mensahe para sa kanyang fellow celebrity housemate, “Maglalakbay patungo sa kung saan, kahit walang kasiguraduhan, dala-dala ang napagkasunduan, na tayo lang ang may alam.”
Gayunman, nitong mga nakaraan ay sunod-sunod ang dating ng mga proyekto para kay Alexa at sa ka-love team nito na si KD Estrada; isa ring PBB housemate sa season na kinabilangan nilang dalawa.