Gold squad na sina Andrea, Seth at Kyle hindi nga ba imbitado sa debut ni Francine Diaz?

Ang tatlong miyembro ng ‘Gold Squad’ na si Kyle Echarri, Seth Fedelin at Andrea brillantes ay hindi umano nakadalo sa debut ng aktres na si Francine Diaz na idinaos noong Sabado, Pebrero 26.

Ang tanong, bakit nga ba hindi nakadalo ang tatlo sa debut ni Francine?

Imbitado naman daw ang tatlo ngunit hindi rin daw ito nakita o pumunta sa pagdiriwang ng aktres.

Sa Episode ng Showbiz Update ng komedyante-aktor na si Ogie Diaz, baka daw kaya hindi nakadalo ay dahil nagkataong nasa shooting sila ng proyektong kinabibilangan nilang tatlo, ang ‘Lyric and Beat.’

“Ang sabi sa akin ha, invited daw. Ang siste, nagkataon na si Blythe o si Andrea, si Seth at si Kyle ay nandoon sa Baguio nagsu-shoot ng ‘Lyric and Beat,'” pahayag ni Ogie kaya wala umano sa party ni Francine ang tatlo.

Napatanong si Mama Loi kay Ogie kung “coincidence ba ‘yung taping o sadya?”

Ngunit wala namang pahayag ang komedyante sapagkat ayaw nilang basta-basta maglabas ng mga impormasyon na ikaka-bash nila.

“Kung magkakasama ang tatlong gold squad na sina Andre, Seth at Kyle, bakit hindi kasama si Francine?” tanong muli ni Mama Loi.

“Nagkasabay din daw ang Lyric and Beat saka yung ‘Bola bola’ na isa ring series,” dagdag pa ni Ogie patungkol sa proyekto namang kinabibilangan ni Francine.

Paliwanag din niya na kaya naman hindi si Kyle ang kasama ni Francine sa ‘Bola Bola’ ay dahil nasa loob pa ito ng Pinoy Big Brother house nang masimulan itong gawin.

Ito naman ang dahilan kung bakit naisama si Kyle kina Seth at Andrea dahil nakalabas na ito noon sa Pinoy Big Brother house nang mag-shoot.

Narito ang kabuuan ng Showbiz Update nina Ogie Diaz, Mama Loi kasama rin sina Ate Mrena at Dyosa Pockoh mula kanilang YouTube channel.

Post a Comment

Previous Post Next Post