Matapos mamigay ng mga grocery box at mga sako-sakong bigas sa mga frontliners, sa pagkakataong ito, ang socialite at former actress na si Gretchen Barretto ay magdo-donate ng ambulansya sa isang ospital sa pamamagitan ng kanyang “Love is Essential” campaign.
Ibinahagi ni Gretchen sa kanyang Instagram na magpapadala siya ng ambulansya sa Victor R. Potenciano Medical Center (VRP) sa Mandaluyong bilang bahagi ng ika-49 na anibersaryo ng ospital.

Ipinahiwatig din niya na mayroon siyang ibibigay para sa higit sa 1,042 frontliners ng ospital kapag bumisita sila sa Pebrero 24.
“I’m happy to announce that on February 24 I am granting the wish of Victor Potenciano Hospital, VRP ‘yun, sa Mandaluyong EDSA. It’s going to be their 49th year so I will be launching my first ever ‘Love Is Essential’ ambulance. That is my 49th anniversary present,” ani Gretchen.

“That is the wish that I’m granting them. To the frontliners of VRP, on that day we will be granting 1,042 frontliners. Since it’s February and I said it’s the month of love, let’s all spread love. Mine is on Thursday, February 24,” dagdag pa niya.
Sa isang sumunod na clip, ibinahagi niya ang isang sulyap sa ambulansya na may pangalan ng kanyang proyekto sa gilid ng sasakyan. Magdo-donate din si Gretchen ng isa pang ambulansya ngunit hindi pa niya tinukoy kung sino ang recipient nito.

Noong nakaraang linggo ay namahagi si Gretchen ng bigas sa may 3,300 pamilya sa Cavite City. Binigyan din niya ng bigas ang mga “blue guards” ng mga kilalang executive village sa Metro Manila.
Neto lamang buwan ng Pebrero ay minarkahan ni Gretchen ang kanyang ika-28 taon na kasama ang kanyang partner, ang negosyanteng si Tonyboy Cojuangco, sa pamamagitan ng isang sentimental na montage, kung saan kasama ang mga larawan ng kanilang travels, affectionate moments, ang kanilang anak na si Dominique, pati na rin ang kanilang mga alagang aso, at iba pa.