Viral ngayon sa social media ang video ng isang groom na hindi napigilan ang kanyang pag-iyak habang binibigkas ang wedding vow para sa kanyang bride.
Sa isang video na in-upload ni Dan Del sa kanyang Facebook account, sa simula ay sinubukan ng groom magbiro ngunit nauwi sa pagpatak ng luha habang ipinapahayag kung gaano niya kamahal ang kanyang mapapangasawa.
“Tag mo ’yung groom mo na nagsabing hinding-hindi raw siya iiyak sa kasal,” nakasaad sa caption ni Dan Del.

Makikita sa video na inaabot pa lamang ng pari ang microphone sa groom upang sabihin ang kanilang wedding vow ay napatakip na agad ito ng mata at nanangis na ang mister.
Halos wala nang maintindihan sa mga sinasabi ng groom para sa kanyang bride na napatawa na lamang pati na rin ang mga dumalo sa kasalan.

Ilang beses naman nitong sinubukang ayusin ang pagsasalita, ngunit hinahabol ito ng kaba at pananabik na napahagulgol na lamang.
Nang makapagsalita na, humingi ito ng pasensya at sinabing sa kanyang pagbabalik muli ay tatlo na sila, isang buong masayang pamilya.
“Sorry kung lagi kitang naiiwan, mag-iisa ka na lang pag-alis ko. Sana sa pagbalik ko, tatlo na tayo,” sabay hawak sa tiyan ng kanyang bride.

Kinagiliwan naman ng mga netizens ang naturang video.
Nang ibinahagi ito ng Philippine Star ay humakot ng maraming komento at mahigit 565K views as of posting.
“The man who is never afraid to cry even in front of many people just to show how much he loves you deserves a praise God bless you both.”
“He got so emotional tapos he tried to hold his tears at hagulgol. Some of us experienced also like that. Pero in that way ramdam mo na sincere siya, and it’s kinda funny for us.”
May isa naman na nagkomento at tinag pa ang kasintahan, “Kung hindi ka ganyan sa kasal natin salamat na lang sa lahat!” lols
Narito ang kabuuan ng video mula kay Dan Del: