James Reid nagtungo na sa LA para sa bagong yugto ng kanyang pangarap?

James Reid, lilisanin na nga ba ang Pilipinas for good? O nilisan na nga?

Isang malaking katanungan ito mula sa kanyang masusugid na tagahanga na hindi naman maitatanggi na pinagkakaguluhan sa fandom world.

Binigyan ng farewell party si James ng kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay bago ito umalis para manirahan sa Los Angeles, USA.

Makikita sa mga larawan ng kanyang despedida ang pagyakap at pagsasaya ni James kasama ang kanyang mga kaibigan.

Ayon sa ilang nakakakilala sa aktor-singer, pupunta si James sa LA para ituloy ang kanyang mga pangarap.

Lumabas din sa Instagram story mismo ni James ang cake na may dedication na, “Bon Voyage and Good luck James Reid.” 

Gayunpaman, hindi pa tinukoy kung ang pangarap na iyon ay ang pag-arte o musika, dahil si James ay bihasa sa parehong larangan.

Kaya naman kung magkakaroon ng pagbabago sa kanyang career ay talagang susubaybayan ito ng kanyang mga tagasuporta. Pero parang may bagong plano si James sa kanyang buhay at career ngayon?

“They threw James Reid’s despedida last night. I know he’s going to leave for LA pero it still can’t wrap my head around it – too surreal,” tweet ni @livelikepotter.

Sa huling post ni @livelikepotter sa kanyang Twitter ay paalis na nga ang aktor, “Have a safe travel, @tellemjaye to LA we’re definitely going to miss you.” 9:14 PM nitong February 16, 2022 ang mababasa sa tweet.

Sobrang nalungkot ang mga tagahanga na umalis na nga nang tuluyan ang aktor.

“Soar high our main man, we’ll be waiting for you!”

“Until now it feels unreal na aalis na si James huhu I’m gonna miss you so much talaga @tellemjaye take care of yourself and continue chasing your dreams & passion. we got your back! so proud of youuuuuu.”

“Wait, aalis na pala si james ng pinas? na-sad ako pero best of luck!”

Post a Comment

Previous Post Next Post