Ang Pebrero 22, 2022, ay isang espesyal na araw para sa mag-asawa na sina Aberli at Hank Spear habang wine-welcome nila ang kanilang anak na babae, si Judah Grace, sa petsa na pinaniniwalaan ng marami bilang ‘Angel Numbers’ na kadalasang nauugnay sa sign from the divine.
Isinilang ni Aberli si Judah Grace noong Pebrero 22, 2022, Martes, sa eksaktong 2:22 a.m. sa Alamance Regional Medical Center sa Burlington, North Carolina. Bukod pa riyan, dinala din ang sanggol sa labor at delivery room ng ospital No. 2.

Ayon sa post ng ospital sa social media, si Baby Judah Grace ay isang sagot sa panalangin para sa pamilyang Spear. Si Aberli kasi ay isang Hodgkin’s lymphoma survivor at ang mga paggamot sa kanser na kanyang pinagdaanan ay naging dahilan upang hindi ito mabuntis.
“Baby Judah is an answered prayer for her family. Mom Aberli is a Hodgkin’s lymphoma survivor, and the necessary cancer treatments she went through made pregnancy unlikely.”
“But the family continued to pray for a little one – and today their prayer was answered! Judah Grace’s name fits her story perfectly. Judah means “praise” – and she is a blessing for her family! We are so happy for this sweet family! Happy birthday, Judah Grace!”

Sa balita ng WXIA Channel 11, sinabi ng mga magulang na ang kaarawan ng kanilang anak na babae ay hindi lamang espesyal sa bilang.
Ang diagnosis ni Aberli ay dumating ng tatlong buwan matapos silang magkita ng kanyang asawa, at mula noon ay tinanggap nilang dalawa ang posibilidad na hindi magkaroon ng anak.
Ngunit ngayong mayroon na silang bundle of joy, na ipinanganak na nasa seven pounds 10 ounces, sinabi ng mag-asawa na magsisilbing paalala si Baby Judah Grace na huwag mawalan ng pag-asa kahit maraming pagsubok pa ang dumating sa buhay.

Ipinagdiwang ng delivery staff ang pagdating ni Baby Judah Grace sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng espesyal na two-bow hat bilang tanda ng kanyang natatanging kaarawan.
Kakaiba talaga ang petsa ng kaarawan ni Baby Judah Grace. Ngunit ang pagiging mahalagang himala na siya ay para sa kanyang mga magulang ay higit na makapangyarihan kaysa sa kung ano ang idudulot ng anumang numero at ang katumbas na kahulugan nito.