LJ Reyes, nagbahagi ng mga larawan kung paano niya nailalayo ang mga anak sa screens

Ibinahagi ni LJ Reyes kung paano niya nailalayo sa screen o gadgets ang kanyang mga anak na sina Summer at Aki.

Sa Instagram, ipinost ni LJ ang mga larawan ng kanyang bonding moments kasama ang kanyang mga anak.

Sa kanyang panimulang caption, “Mga pagoda! Best way to keep them away from screens is to keep them busy physically!”

“Kahit minsan nakakapagod kasi pag nasa labas kami naghihiwalay sila ni Summer!” dagdag ng aktres, “Disperse talaga. Tapos gusto ring mahati ng katawan ko para sundan sila nang sabay kaso di pala pwede yun.”

Masaya raw si LJ na nag-eenjoy ang kanyang mga anak tuwing weekend.

“Aki even helped out the little one to enjoy playing mini golf too!” masayang paghayag ng mommy.

Noong Setyembre, lumipad sa New York sina LJ, Aki at Baby Summer pagkatapos ng hiwalayan nila ni Paolo Contis.

Sa isang panayam kamakailan, ibinahagi ni LJ na nag-a-adjust na daw sila nang maayos. Si Aki naman ay nag-aattend na ng face to face classes.

Si Aki ay anak ni LJ sa dating karelasyon na si Paulo Avelino, habang si Summer ay anak niya kay Contis.

Basahin: Expectation vs Reality: LJ Reyes ibinahagi ang precious moment nila ni Aki

Kamakailan ay ipinagmamalaking ibinahagi ng aktres na si LJ Reyes ang isang mahalagang sandali nila ng 11-taong-gulang na anak na si Aki sa kanyang Intagram account kamakailan.

“Kisses overload for this baby boy. Ay ‘di na pala baby!” saad niya sa kanyang caption.

Maraming mommies ang makaka-relate kay LJ, dahil dumarating talaga ‘yung panahon na hindi na baby ang baby mo!

“Expectation vs. reality… In private pwede pa s’ya i-kiss, in public bawal na. ‘Wag n’yo ko sumbong ah!” ani LJ.

Post a Comment

Previous Post Next Post