Harry Roque ‘humataw’ sa pagsayaw sa proclamation rally ng UniTeam

Todo-bigay ang pagsayaw ni Harry Roque sa ginanap na proclamation rally ng UniTeam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte-Carpio na ginanap sa Philippine Arena nitong Martes, Pebrero 8.

Si Roque, ang dating tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte ay kabilang sa 11 kandidato sa pagkasenador na iniendorso ng Marcos-Duterte tandem.

Sa harap ng libo-libong tagasuporta, humataw si Roque sa pag-indak sa entablado kasabay ang mga dancers sa saliw ng kaniyang campaign jingle.

Hati naman ang reaksiyon ng mga netizens sa sayaw ni Roque na nagtrending pa sa Twitter.

Bagama’t maraming supporters ni Bongbong at Inday Sara ang naaaliw sa paghataw ng dating Malcanang official sa entablado marami rin ang hindi natuwa.

Tanong ng ilan, kailangan daw ba talagang sumayaw at kumanta ng mga kandidato upang makakuha lamang ng boto?

“I cringe everytime i see some who is running for a national position do this onstage. Ano, for the votes? Anyone who does this is a definite X on my list,” ayon sa isang netizen.

“Dancing won’t change his values, character and ways. Wise voters will not vote for him,” komento naman ng isa.

 

“Imagine, fully humiliating yourself just because you truly want to serve the Filipino people… ‘yung walang bahid ng pagnanasang nakawin ang pera ng taumbayan at abusuhin ang ibibigay na kapangyarihan? Yung totoo?” tanong rin ng isa pang Twitter user.

Kinuwestiyon din ng ilan ang pagsali ni Roque, na isang human rights lawyer, sa senatorial slate ni Marcos gayung siya ang may-akda ng batas para gawing permanente ang Human Rights Victims Claims Board (HRVCB).

Ang HRVCB ang nagtatakda ng compensation para sa mga diumano’y biktima noon ng martial law sa ilalim ng diktaduryang Marcos.

Panoorin:

Post a Comment

Previous Post Next Post