Si Heart Evangelista ay nagbahagi ng iba’t ibang mga snapshot, na nagpakita ng malaking pagkakaiba sa pagitan ng nakikita ng mga tao at kung ano ang talagang nangyayari sa likod ng camera, na tanging ang kanyang team lamang daw ang nakakakita.
Sa kanyang Instagram Stories ay ibinahagi ni Heart ang isang litrato na may caption na “what people see,” kung saan ay makikita ang actress-model na naka-pose at nakangiti sa camera.

Sa isa pang post, makikita siya na naka semi-squat na posisyon kung saan hindi siya nakangiti at tila may dinaramdam ang aktres. Ito ay may caption na “What my team witnesses…”
Ibinahagi din niya ang isa pang larawan kung saan siya ay tinutulungan ng kanyang team. Kitang-kita sa mukha ng aktres ang pagkatamlay nito.
Sa parehong larawan, sinabi ng aktres na, “mental health anxiety is not a joke.”

Sa huli ay ibinahagi niya kung gaano kahalaga para sa atin na mapalibutan ng mabubuting tao, na maaaring umaliw sa iyo kapag kailangan mo ito nang lubos.
Sa isa pang post sa social media, ipinakita rin ng aktres ang isang video ng magagandang pose sa shoot na mukhang normal ang lahat.
Sinabi ng aktres at style icon na tumaas ang level ng kanyang anxiety at kinailangan pa niyang pumunta sa ospital pagkatapos ng shoot.

Ibinunyag ng aktres ang dahilan ng kanyang anxiety.
Nagpakita siya ng larawan ng isang bahagi ng kanyang noo kung saan ay matatagpuan ang misteryong bukol na sinabi niyang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng anxiety.
Inilarawan ng aktres ang mystery bump bilang “like a unicorn about to unveil itself.” Ngunit ipinaalam din ni Heart na mas mabuti na siya ngayon at maayos na ang lahat.
“I am better and all is well. The number trigger of my anxiety (health scares).”