Ang aktres na si Ria Atayde ay masayang bumati sa showbiz milestone ng kanyang kapatid na si Arjo Atayde sa pamamagitan ng pag-post ng isang throwback picture nilang dalawa na magkasama.
Sa Instagram ay ibinahagi ni Ria ang larawan nila ni Arjo noong mga bata pa sila.
“This dude marks his 10th year in showbiz today. What a beautiful 10 year career it has truly been,” sabi ni Ria sa caption.

Sinabi ng aktres na ang pinakapaboritong role na ginawa ni Arjo ay ang pagiging kapatid nito sa kanya.
“I am so proud of you and of everything you have achieved. But among all the roles you’ve portrayed, my favorite would still have to be my brother because even with the craziness of everything else, that’s one thing you’ve never forgotten to do — to stay humble and to be the same Arjo you have always been,” patuloy niya.
Nagpahayag din siya ng pasasalamat kay Arjo sa paggabay nito sa kanya sa buhay.
“Salamat sa hindi lamang pagbibigay-inspirasyon sa akin na laging gawin ang aking makakaya kundi sa paggabay din sa akin sa mabaliw na mundong ito,” ani Ria.

“Love you @arjoatayde!!! Happy 10th anniversary in showbiz Ilysm and I will always be your number 1 fan and OG baby sister.”
Samantala, nagpasalamat naman si Arjo sa kanyang kapatid sa nakaaantig na mensahe.
“Thank you wiwi! Could not have survived 10 years without you. I love you wi.. thank you for being the best sister anyone could ask for,” tugon ni Arjo.
Si Arjo ay tumatakbo sa kongreso sa darating na halalan sa Mayo 2022, bilang isang independent candidate.

Naghain siya ng kanyang COC sa tanggapan ng Comelec NCR sa Intramuros, Maynila. Kasama niya ang kanyang mga magulang, ang negosyanteng si Art Atayde at aktres na si Sylvia Sanchez, at Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Si Arjo ang kauna-unahang Pinoy na nanalong Best Actor sa 3rd Asian Academy Creative Awards para sa kanyang papel sa orihinal na serye ng iWantTFC na “Bagman.”
Nag-renew siya ng kontrata sa ABS-CBN noong Pebrero 2021.
Ang cute nilang dalawa o!
View this post on Instagram