Isang nakaaantig na birthday message ang ibinahagi ng Filipino singer-actor na si Ice Seguerra para sa kanyang late father na si Decoroso Seguerra.
Sa Instagram, ini-upload ni Ice ang kanyang litrato habang hawak ang pinaglalagyan ng abo ng ama. Saad niya, “Pangalawang birthday mo na hindi ka namin kasama. Kumusta ka na diyan, Pogi? I’m sure okay ka. Happy and at peace. Miss ka namin dito, ‘lam mo ba yun? May isang taon mahigit na rin ang nakakalipas pero hinahanap ka pa rin namin.”

Ayon sa celebrity, nangungulila siya sa mga masasayang sandali kasama ang kanyang tatay pero umaasa siya na nasa mas magandang lugar at mas maayos na lagay na ito.
“Miss ko ‘yong boses mo pag kumakanta sa videoke, ‘yong mga patawa mo na minsan hindi nakakatawa pero sa sobrang corny matatawa na rin kami. I really hope you’re in a better place, ‘yong wala nang pain at kalungkutan. Sarap siguro diyan. Parati kang nasa puso namin. Happy birthday, my orig valentino. I miss and I love you so much!” wika niya.

Nobyembre 2020 nang mamaalam ang ama ni Ice na nakapagbilin pa na gusto nitong mga pulang bulaklak ang gamitin sa kaniyang burol. Hanggang sa huling sandali raw ay gusto ng kanyang tatay, na itinuturing na komedyante ng pamilya, na maging masaya ang lahat hanggang sa tuluyang paglisan niya.
“Naihanda kami ni Daddy. Nahanda siya [Ice] ni Daddy na in the last two weeks, nagpatawag siya, talagang nag-spend kami ng time with him. Kinantahan siya ni Ice. Lahat ‘yong mga hindi nasabi,” kuwento ng better half ni Ice na si Liza Diño-Seguerra. “Talagang napakaganda ‘yong ano, naghiwalay man, ‘yong when he passed away, masaya. Masaya ‘yung spirit.”
