Ion labis na nasaktan nang pagbawałang mag-propose kay Vice sa It's Showtime

Emosyonal ang magkakaibigang sina Ion Perez, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz nang balikan ang sandali kung kailan pinagbawalang mag-propose sa main host na si Vice Ganda ang ngayon ay mister na nito.

Sa It’s Showtime episode kamakailan, inamin ng mag-asawa na sina Vice, 45, at Ion, 31, na February 21, 2020 pa lamang ay engaged na silang dalawa at naganap iyon kasama ang mga pinakamahahalagang tao sa buhay nila.

ion vice

Ngunit bago raw ang masayang yugto, nagkaroon muna ng mga nakalulungkot na tagpo dahil sa hindi pagpayag kay Ion na mag-propose sa mismong noontime show.

“Kung alam n’yo lang ‘yon lang ‘yong pain no’ng nakita namin dati si Ion pinagbawalan,” maluha-luhang wika ni Teddy. “Ta’s nakita ko si Ion nakahiga do’n… ‘Uy, anong problema?’ ‘Hindi pumayag.’ Excited kaming tatlo, e.”

“Nakakasa na, e,” pagsang-ayon ni Jugs habang nagbabalik-tanaw.

“Gusto niya nga, dito talaga sa Showtime mag-propose. Ta’s nakahiga siya do’n sa kwarto,” pagpapatuloy ni Teddy. “Nakita namin ‘yong pain. Kaya forever Team Loyal kaming tatlo.”

ion vice

Hindi nabanggit kung bakit hindi pumayag ang It’s Showtime management na sa studio mag-propose si Ion, ngunit sa huli ay naging maayos din naman ang lahat at nairaos ni Ion ang proposal sa bahay ni Vice.

Nagpapasalamat pa rin ito sa dalawang kuya niya sa show sa pag-agapay nito sa kanya habang isinasaayos ang lahat, simula pa lamang sa pagbili ng singsing.

“‘Yong ano, doon sa pagbili ko ng singsing, hindi ko alam kung saan ako pupunta,” pagbabahagi ni Ion.

ion vice

“Balak pa namin magdi-disguise kami, pupunta kami ng mall. So, talagang naano ako kay Kuya Jugs, sa kanya ako unang nag-open. Tapos sabi niya, ‘Kuya Teddy mo kausapin natin.’ Nagkukulong kami sa banyo, nagme-meeting kami para lang wala makakita sa aming tatlo na pag-isipan na may gagawin kami,” pagpapatuloy niya. “Kuya Jugs, Kuya Teddy maraming salamat.”

Panoorin:

Post a Comment

Previous Post Next Post