Tingnan: Face-to-face classes sa 3 paaralan sa Calapan sinimulan na

Matagal-tagal na rin simula nang mag-umpisa ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa at mahaba-habang panahon na ring sinusubok ng distance learning ang napakaraming estudyante sa bansa. At ngayong nakakikita ng pagbaba ng bilang ng mga kaso, marami ang nagtatanong kung dapat na bang simulang muli ang face-to-face classes.

face-to-face classes

Pero sa tatlong paaralan sa Calapan City, tapos na ang pagtatanong. Nitong Lunes, Pebrero 21, nag-umpisa na muli ang face-to-face classes para sa mga estudyante ng Caguisikan Elementary School, Sta. Cruz Elementary School, at Nagiba National High School.

Ayon sa post ng Facebook page na DepEd Tayo Calapan City, na ini-repost ng Department of Education, nasa 22 mag-aaral mula sa Caguisikan Elementary School (simula Kindergartern hanggang Grade 3); 18 mag-aaral mula sa Sta. Cruz Elementary School (Kindergarten – Grade 3); at 32 Grade 11 senior high school learners ang nakibahagi sa paunang implementasyon.

face-to-face classes

“Upang masiguro ang maayos na pagpapatupad ng health protocols, nagtayo rin ang mga paaralan ng mga handwashing area, drop-off points, Parents Holding Area, flaglets para sa pedestrian, at iba pang distance protocol signages,” saad ng page sa caption ng mga litrato ng mga batang nakapila nang maayos at nagso-social distancing.

Personal daw na binisita ng ilang top officials ang mga paaralan na nagsimula na sa face-to-face classes upang makita raw ang kalagayan ng mga paaralan.

face-to-face classes

Sa social media, hati ang reaction ng mga user tungkol sa face-to-face classes. May mga nagsasabi na mainam ngang i-allow na muli ito para hindi na kailanganin pang harapin ng mga estudyante ang mga pagsubok na dala ng distance learning. Mayroon din namang mga nangangamba pa rin at nagsasabi na hindi pa rin ligtas para sa mga bata ang lumabas kaya mas mainam na hintayin na lamang na maging kalmado o kontrolado talaga ang lahat ngayong pandemya.

Ikaw, pabor ka ba sa unti-unting pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa? Ibahagi ang iyong opinion sa comments section ng post.

Post a Comment

Previous Post Next Post