Isko, sadyang hindi isinama si Doc Willie Ong sa Mindanao sorties; campaign manager nagpaliwanag

Sinabi ng presidential campaign manager ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na personal niyang desisyon na huwag isama si Dr. Willie Ong sa kanilang campaign sorties sa Mindanao.

Ayon kay Lito Banayo, napagdesisyunan niyang gawin ito para hindi malagay sa alanganing sitwasyon si Ong lalo pa’t marami ang mga tagasuporta na ipinares kay Domagoso si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa mga lugar na kanilang bibisitahin.

“That was my call. That was my decision. Kasi nga, whenever you make sorties or campaign trips, you send an advance team, normally, four or 5 days beforehand, even a week beforehand. They called me up and they said, ‘Boss, puro streamers dito, Isko-Sara,’ tarpaulins, puro Isko-Sara,” wika ni Banayo sa ANC.

“So I called up Doc Willie, and I said, Doc, baka mas mabuti po ‘wag kayong sumama sa Mindanao kasi i don’t want to put you in an embarrassing situation where ‘yung mga tarpaulins doon is Isko-Sara,” dagdag pa ni Banayo.

Nilinaw niya na bagama’t ipinapares si Domagoso sa isa pang kandidato sa pagka-bise presidente, wala namang umanong sinabi ang campaign manager sa pagsuporta kay Duterte-Carpio.

Paliwanag niya, “He did not say he was supporting Sara at all. He didn’t say that at all. Pero doon kasi sa Maguindanao and Sultan Kudarat, wala rin naman silang sinabi, ‘yung mga speaker, ‘yung major power blocs, wala din naman silang sinabi na Isko-Sara.”

Nanindigan si Domagoso nitong Lunes na kinakampanya pa rin nito ang kanyang running mate na si Ong, kahit na may mga ilang lokal na pulitiko ang nag-endorso kay mayor ng Maynila sa ibang kandidato.

Ang pahayag ni Domagoso ay matapos maglabas ng video si Ong na nagbibigay-linaw sa kanyang naunang panayam sa ABS-CBN News kung saan inamin ng doktor na nasaktan  siya kaugnay sa mix and match nina Domagoso at Duterte-Carpio.

“Both of us uphill ang battle namin but no matter what Isko-Doc Willie ako,” sinabi ni Domagoso sa ABS-CBN News sa isang text message.

Basahin: Doc Willie Ong nasaktan kaugnay sa ‘mix and match’ nina Isko at Sara

Post a Comment

Previous Post Next Post