Si Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi o mas kilala bilang Ivana Alawi, isang aktres, model, at vlogger ay nag-anunsyo kamakailan lang sa YouTube kaugnay sa kanyang negosyo.
Ayon kay Ivana, bata pa lamang daw siya ay hilig at pangarap na daw niya ang beauty products, kaya ngayon ay natupad na niya ang kanyang pangarap na magkaroon ng sariling skin care products, ang ‘Ivana Skin’ at kasalukuyan naman siyang CEO dito.

Kuwento ni Ivana, tatlong taon n aang nakararaan nang mag-umpisa siyang sumubok na bumuo ng skin care formula. Sa pamilya at mga kaibigan niya ito unang pinasubok. Kalaunan, nang maganda ang naging resulta ng kanyang produkto, ay inilunsad na niya ito.
Halos tutok daw si Ivana sa bawat detalye ng kanyang produkto; sa packaging, ingredients, formula, logo at iba pa.
“Hindi siya madali, it took really a long process but it’s a process that I’m proud of,” saad ni Ivana.

Aniya ay bukas din ito sa mga resellers at distributors. Naikuwento din ni Ivana na minsan na rin siyang naging isang online seller. Mga damit ang ibinebenta niya noon at ang kanyang ate Amira pa ang ginagawa niyang modelo.
“Meron akong kwento sa inyo na very very quick lang. So isa akong online seller dati. Naging malapit talaga sa puso ko ang mga online sellers. Nagbebenta ako ng mga damit, so I really wanted to open this business to other online sellers para mabigyan din ng chance na kumita,” aniya.

“I don’t look at it as resellers or distributors, I call it part of the family, part kayo ng Ivana Skin family and you are a part of our family,” pahayag ni Ivana.
Ito ay dahil malalapit daw ang mga ito sa kanyang puso dahil naranasan niyang maging tulad ng mga ito.
Todo naman ang suporta ng kanyang pamilya sa kanyang narating kung saan lahat ng pamilya niya ay sumubok sa produkto ni Ivana upang masiguro na maganda ang resulta ng mga ito.
Panoorin: