MB Momshies Karla at Jolina, may 'strong friendship' beyond politics

Ang friendship ng momshie hosts ng ‘Magandang Buhay’ na sina Karla Estrada at Jolina Magdangal ay nananatiling matatag sa kabila ng kanilang political choices.

Sa Instagram ay nagbahagi si Jolina ng larawan kalakip ang mga dahilan kung bakit niya iboboto ang kaniyang presidential bet na si Vice President Leni Robredo.

“Iboboto ko si Leni Robredo dahil sa gobyernong tapat, magiging maganda ang kinabukasan ng ating mga anak at nating lahat,” ani Jolina na ‘Certified Kakampink!’

Nag-acknowledge rin ang komedyanteng host ng Magandang Buhay na si momshie Melai Cantiveros ng apat na heart emojis sa comment section.

Sinundan naman ng komento ni Karla na kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media matapos magtanghal sa naganap na UniTeam proclamation rally noong Martes, Pebrero 8, 2022.

Sinabi naman ni Karla, “I love you Momshie Jols!!! Go go go!!!” 

“I love you too Momshie Kars and I mishu!!!” ang tugon ni Jolina sa kaibigan nito.

Ang komento ni Karla ay humakot ng maraming likes at umani rin ng iba’t ibang reaksyon at mga komento mula sa mga followers.

“The friendship kahit magkaiba ang sinusuportahan, I admire these two.”

“Sana katulad ninyo ang lahat ng tao, nirerespeto ang desisyon ng kaibigan.”

“I admire the magandang buhay friendship! I hope pagkatapos ng election ay magkasama sama ulit kau. God bless po.”

“Ganito dapat, walang unfollowhan, at the end of the day magkakaibigan pa din kayo, wag sana hayaang masira dahil lang iba ang sinusuportahan, good luck on your campaign journey mamshie Karla.”

Sana nga lahat ng tao pareho ang mindset, ‘yung nagkakaunawaan, may respeto sa kapwa kaugnay sa kanilang mga napili at napupusuan na kandidato.  ‘Ika nga, Just Love!

Si Karla Estrada ay kasalukuyang on-leave sa Magandang Buhay dahil sa kaniyang pagtakbo bilang third nominee ng ‘Tingog’ party-list. Pansamantala munang naging host ng Magandang Buhay ang Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

Post a Comment

Previous Post Next Post