Kampo ni Andrea Brillantes nagbigay ng statement; "oks lang daw mag-Marites pero ‘wag maging echuserang palaka"

Kamakailan ay naging usap-usapan  ang ibinahaging larawan ni Kyle sa Instagram Stories kung saan naka-topless siya at napapagitnaan nina Andrea Brillantes at Darren Espanto.

Ayon sa Facebook page na Tea Pa More, ang nasabing larawan ay aksidente umanong naipost ni Kyle sa kanyang IG stories.

Agad naman umanong binura ang nasabing post sa IG stories ng aktor.

 

Maraming nag-react na tagahanga ng tambalang SethDrea at KyCine sa naturang post na mabilis kumalat sa social media.

Ang management ni Andrea ay naglabas ng statement tungkol sa kumakalat na larawan kung saan kasama niya sina Darren at Kyle.

Sa statement ay nilinaw ng kampo ni Andrea na kuha ang naturang picture pagkatapos ng pag-shoot nila ng isang vlog, ngunit ito ay deleted na rin.

Sinabi pa ng co-manager ni Andrea na “Okay lang naman maging Marites, pero wag naman masobrahan at lumevel up pa sa pagiging echuserang palaka.”

Noong Enero, naging usap-usapan din ang larawan nina Francine Diaz at Seth Fedelin sa mismong bahay ni Francine, kasama ang pamilya.

Umingay tuloy ang mga usap-usapan na baka sina Francine at Seth talaga ang nagkakagustuhan, kaya naman nabuo ang hashtag na #FranSeth bagama’t hindi naman kumpirmado kung nauwi nga ba sa totohanan ang kanilang patok na tambalan.

Basahin: Francine Diaz, Andrea Brillantes nag-unfollow sa isa’t isa, si Seth Fedelin kaya ang dahilan?

Nawala na umano sa followers list ni Andrea si Francine, na naging palaisipan sa mga sumusubaybay sa kanila. Nagkaroon tuloy ng mga espekulasyon tungkol sa tunay na estado ng pagkakaibigan ng dalawa.

Ito ang usap-usapan ng netizens matapos kumalat sa social media ang family picture ni Francine kung saan namataang naroon din si Seth. May caption pa itong “Family is love.”

Basahin: Ang dahilan kung bakit nakita si Seth Fedelin sa bahay ni Francine Diaz

Pero ayon sa source ni Mama Ogs, naroroon daw si Seth upang humingi ng dispensa kay Francine tungkol sa nangyari sa pagitan nila ni Andrea sa ABS-CBN Christmas Special noong December 18, 2021.

Post a Comment

Previous Post Next Post