Kakie Pangilinan, tinawag na 'Putongama ko' ang kanyang Daddy

Viral sa social media ang nire-tweet ng anak nina Megastar Sharon Cuneta at Senador Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan o ‘Kakie’, isang singer-songwriter, kaugnay sa pagtawag niya ng ‘Putongama ko’ sa kanyang Daddy.

Nagpasabi umano si Kakie na medyo nakaaapekto sa kaniyang mental health ang kampanya ng kaniyang ama, kaya idinaraan na lamang niya sa biro ang mga tweets niya, upang makagaan naman sa kaniyang kalooban.

Makikitang nire-tweet ni Kakie ang isang tweet ng kanyang ama kaugnay sa pagpapasalamat nito sa nagbigay sa kanya ng isang bilao na pink at green puto.

“Maraming salamat sa Calasiao Youth for Leni-Kiko sa kilalang kilala na puto Calasiao na kulay pink at green! Naimas!Balbaleg ya salamat!”

Nagbiro pa ang Senador, “Ito ang tunay na ‘puto bomber”

Nagpaliwanag naman si Kakie sa mga bothered netizens.

“And I understand it’s not for everyone das cool pls just remember it’s also not an accurate representation of my whole self ty for being here I love u deeply and I hope ur having a great sunday.”

“Honestly if ur bothered by anything I tweet just scroll on pls because twt rly is just my depression dump agdjdhdj.”

“If ur bothered by my humor pls just ignore me! campaigning is extremely painful and I wish I could explain the kind of toll it takes on mental health,,, coping mechanism ko lang ‘to char.”

Matatandaang nagsampa si Senador Kiko ng kasong cyberlibel laban sa mga YT channels na ‘Latest Chika’ at ‘Starlet’ na naglabas raw ng mga maling balita tungkol sa kanila ni Sharon Cuneta.

Kabilang na rito ang ‘fake news’ na sinasaktan niya umano si Sharon at pati na rin ang kanilang ‘paghihiwalay’ daw dahil sa third party.

Hinimok rin ng senador ang Justice Department na mas pabilisin pa ang kanilang aksyon sa mga cyberlibel na kaso dahil mas lalo pang dumarami ngayon ang pinupuntirya ng fake news at misinformation campaign lalo pa’t nalalapit na ang eleksyon.

Basahin: YT channels na nagpapakalat raw ng ‘fake news’ tungkol kina Sharon at Kiko tinanggal na

Post a Comment

Previous Post Next Post