Ang beteranong broadcaster na si Korina Sanchez ay naghanda ng isang superhero-themed birthday party para sa kanilang kambal ng asawang si Mar Roxas na sina Pepe at Pilar. Ipinagdiwang ang kanilang ikatlong kaarawan noong Sabado, Pebrero 12.
Ibinahagi ni Korina sa kanyang Instagram account ang ilang snaps ng party na ginanap para sa kanyang mga anak na dinaluhan ng ilan sa kanyang mga kaibigan.

“And on this day, our personal twin miracles happened. Who knew? I knew.”
“This was the day in the hospital in Pittsburgh that we first met Pepe en Pilar who, at first, we were calling Jack and Jill.
“Unang araw palang, nakangiti na talaga sila. Siguro noon palang, balak na talaga nila kaming i-goodtime habambuhay.”
“Happiest 3rd Birthday today to our double trouble but double happiness Pepe en Pilar.” ang madamdaming mensahe nito para sa kanyang kambal.
Si Pepe ay naging Batman habang si Pilar naman ay Wonder Woman sa kanilang birthday celebration.
“SUCCESS ang children’s bday party na puro matatanda ang guest list,” saad ng broadcaster sa kanyang IG.
Umaasa si Korina na sana ay magkaroon ng kids’ party sa susunod na taon. Nagpasalamat naman ang beteranong broadcaster sapagkat nanatiling ligtas at malusog ang kanyang kambal sa gitna ng pandemyang dala ng Covid-19.

“Even locked down kids parties can work. Yun lang, huhu, walang ibang bata and relatives. Next year NORMAL NA SANA. Claiming it. Thank you Lord for keeping my kids safe,” ani Korina.
Si Korina ay nagkaroon ng sariling mga anak sa unang pagkakataon noong 2019. Ang pinangarap na supling ay nakamit sa pamamagitan ng gestational surrogacy sa United States.

Ang mga followers naman ni Korina ay bumati sa kaarawan ng kambal.
“Happy happy birthday Pepe and Pilar! Sana lumaki kayong may takot sa Diyos at Palaging malusog!”
“Happy birthday Pepe and Pilar. Ang Pambansang pampagoodvibes”
“Dynamic Duo indeed! Happy Birthday Pepe and Pilar!”
“Happy Birthday pepe and pilar yeeeyy blow ulit ng candles. #keepsafe #godbless”