Sirang doghouse, nagkakahalaga ng mahigit P15.4M

Maniniwala ka ba na ang dog house na ito ay nagkakahalaga ng mahigit P15.4M?

Parang imposible, hindi ba? Basahin para malaman kung bakit.

Makikita ang isang lumang dog house na tila kinakawalang na at may butas pa ang bubong nito. Inaasahan raw na mabibili ito sa halagang $300,000 o nasa P15.4M.

Tinamaan daw kasi ito ng meteorite noong 2019 at ang meteorite na bumagsak sa bahay ng asong si Rocky ay may espesyal daw na particles, ayon sa website ng Weather.

“This is the meteorite that went through the dog house. It contains particles of the oldest matter that mankind can touch, those tiny white inclusions. That light off bronze coloring it not really part of the meteorite, that’s when it hit the roof,” ayon sa curator na si Darryl Pitt habang ipinapakita ang meteorite.

Kabilang daw ang dog house sa mga isinusubasta sa isang exhibit sa New York, U.S.A. Tampok din umano ang batong galing sa kalawakan at bumagsak dito sa Earth.

Ang pinakamahal raw mula sa collection ay ang batong pinaniniwalaang galing sa Mars na inaasahang nagkakahalaga ng mahigit $800,000 o katumbas ng P46M ang bid para dito.

“There was an asteroid impact, a very large asteroid impact, on the Martian surface that ejected a lot of material off Mars into an Earth-crossing orbit. Million of years later, it takes, for it to enter Earth’s atmosphere,” ani Darryl Pitt.

Batay daw sa mga record, wala pa naman daw taong tinatamaan ng meteorite pero may mga namatay na umanong hayop dahil sa pagbagsak ng mga bulalakaw.

Ayon sa mga curator, ang mga meteorite na bumabagsak sa ating mundo, posibleng kalaunan ay magmumukhang ordinaryo.

Kapag nakuha daw agad at na-preserve ito, ay tumataas umano ang value ng mga ito. Pero higit sa perang katumbas ng mga bato, ay posible daw na maging susi ito sa pag-intindi kung paano nabuo ang universe at ang ating mundo.

Panoorin ang ibinahaging video ng GMA Public Affairs:

Post a Comment

Previous Post Next Post