'Sabi ko, magwawala talaga ako rito sa GenSan': Aling Dionisia kabado sa pagtakbo ni Senator Manny

Hindi na itinago pa ni Aling Dionisia (Dionisia Pacquiao) ang saloobin niya sa pagtakbo ng kanyang anak na si Senator Manny Pacquiao sa pagkapresidente sa darating na May 2022 polls.

Sa proclamation rally ni Manny at ng ka-tandem na si dating Manila Mayor Lito Atienza sa General Santos City, sinabi ni Aling Dionisia na kabado siya sa pagtakbo ng anak niya at tumutol pa siya noong una dahil baka maubos lamang ang perang pinaghirapan nito.

aling dionisia manny

“Itong pagtakbo niya dati bilang congressman, unang beses siyang tumakbo dito sa GenSan, umiiyak ako kasi nakikita ko, ilang sako ng pera, naubos talaga,” saad niya sa wikang Bisaya na isinalin ng Pep.ph sa Filipino. “Sabi ko, ‘Lord, hindi pala ang anak ko ang minahal ng tao, ang pera pala.’”

Minsan ay nakararating na lamang sa kanya na namimigay na naman ng pera ang kanyang anak, “Laging namimigay ng pera, may tumawag sa akin galing sa ibang lugar, ‘Mommy ang anak mo laging namumudmod ng pera, baka maubos yan.’ Sabi ko, ‘Meron namang Diyos na magbibigay sa kanya ng pera.’”

“Sabi ko, ‘Naku ha, tatakbo ka na naman.’ Magwala talaga ako dito sa GenSan, huwag ka nang tumakbo,'” aniya.

Gayunman, ipinaliwanag daw nito sa kanya ang dahilan kung bakit ito ang landas na nais tahakin ng boxing champ-turned-politician.

“Sabi niya, ‘Mamang maiintindihan mo naman. ‘Di ba, Mang, mahal mo ako?’” pagbabahagi pa ni Aling Dionisia tungkol sa naging usapan nila ni Manny. “‘Hindi lang kayo ang aking mahal. Sa aking pagboboksing hindi lang dapat tayo ang makinabang sa aking lakas, ibigay din natin sa kapwa natin Pilipino na walang-wala sa buhay.’

aling dionisia manny

Kaya naman nasasaktan daw ang ina ng boxing icon sa tuwing may mga naririnig na hindi maganda tungkol sa kanyang anak.

“Mula noon sa kanyang pagba-boxing hanggang ngayong tumakbo siya sa pulitika, nilalait siya. Nasaktan ako. Pero hindi ko na ‘yun itinanim sa isipan ko,” wika niya.

Sa kabila ng kaba, mananatili raw siyang supporter ng kanyang anak sa panibagong hamon na haharapin nito sa labas ng boxing ring.

“Ngayon, tatakbo na naman siya sa pulitika, sa pagka-presidente, naku, mataas na posisyon na ‘yon, parang mas malaki pa sa isdang tuna ang tatakbuhan. Sabi ko, ‘Mahirap man ‘yang presidente, Nak, buong bansa na ‘yan, buong Pilipinas.’ Sabi niya, ‘Huwag kang malungkot Ma, itong aking ginagawa ay hindi para sa atin lamang kasi nalulungkot ako sa aking mga nakikita.’ Sabi kasi niya, ‘Para matigil, maputol na ang mga hindi magandang ginagawa sa bansa,'” pagpapatuloy ni Aling Dionisia.

aling dionisia manny

Post a Comment

Previous Post Next Post