Sa pagsisimula ng pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11, kaniya-kaniyang gimik ang mga local government units (LGUs) upang gawing child-friendly ang kanilang vaccination centers.

Ang ilan, may mga bisitang mascot ng paboritong heroes at cartoon characters ng mga bata. Mayroon ding namimigay ng libreng ice cream at lobo matapos magpabakuna.
Si Pasig City Mayor Vico Sotto, ibinahagi ang kaniyang karanasan nang may isang 10 taong gulang na batang natakot sa pagpapabakuna.
“Natakot siya magpabakuna (10 y.o.). 5 mins. namin siyang hinintay. Sabi ko, ‘di ako aalis hangga’t hindi pa siya tapos,” kuwento ni Mayor Vico.
“Para lumakas ang loob niya, sabi ko sa kaniya, ‘Wag kang mag-alala, 1 second lang masakit ‘yan. Mamayang gabi pa ‘yong SOBRANG SAKIT,” biro ng alkalde.

Sa kabuuan ay nakapagbakuna ang Pasig City ng 1,650 bata sa apat na sites sa kickoff ng vaccination drive para sa mga edad 5 hanggang 11.
Samantala, ipinaalala naman ni Presidential Adviser on COVID-19 Response Sec. Vince Dizon na “absolute requirement” ang parental consent upang bakunahan ang mga bata.
“Unfortunately, they cannot (be vaccinated). It is their parents’ call if the child will be vaccinated or not. The only challenge for the younger age population, we have to deal with possible adverse effects and also the logistics because the doses for Pfizer are different from the doses we use for older age group or 12 up,” paliwanag niya.

Sa US, kung saan nagsasagawa na rin ng pagbabakuna, wala umanong naitalang side effect sa mga bata.
“In the United States, they are using the same vaccine that we are using today for our children. Out of almost 9 million children aged 5 to 11 who have gotten the vaccine, there were zero side effects.”