Kontrata ni Willie Revillame sa GMA magtatapos na; Wowowin hanggang Pebrero 11 na lang

Hindi na ni-renew ng GMA 7 ang kontrata ni Willie Revillame kaya magtatapos na rin ang programang Wowowin sa darating na ika-11 ng Pebrero.

Batay sa pahayag na inilabas ng Kapuso network, magtatapos na umano ang kontrata ni Kuya Will sa kanila sa Pebrero 15.

“Willie Revillame’s contract with GMA Network is set to end on the 15th of this month,” ayon sa pahayag.

Dahil dito huling mapapanood umano ang ‘Wowowin’ sa Biyernes, Pebrero 11.

“As for his show Wowowin, it will air until Friday, February 11.

Hangad naman ng GMA ang tagumpay ng comedian-host sa kaniyang mga susunod na proyekto.

“We wish him good luck in his future endeavors,” anang network.

Samantala, una nang lumabas ang usap-usapang aalis na sa GMA 7 si Willie at ililipat ang programang Wowowin sa bagong TV frequency ni business tycoon Manny Villar na nakuha mula sa dating ginamit ng ABS-CBN.

Kung matatandaan, noong isang linggo ay kinumpirma ng National Telecommunications Commission (NTC) na nakuha na nga ng kompanya ni Villar na AMBS (Advanced Media Broadcasting System Inc.) ang Channel 2 at Channel 16 na dating frequency ng Kapamilya network.

BASAHIN:  Dating frequencies ng ABS-CBN hawak na ng kompanya ni Manny Villar

Sina Wowowin host at ang dating Senate President ay kilalang malapit sa isa’t-isa.

Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang kampo nina Willie Revillame at Manny Villar tungkol dito.

Narito ang pahayag ng Kapuso Network:

Post a Comment

Previous Post Next Post