Korina may babala sa mga taong naninira sa kanya: 'Malapit na kayo mapa NBI

Nagparinig ang veteran broadcaster na si Korina Sanchez kaugnay sa mga taong nag-iimbento ng trolls at kung ano ano tungkol sa kanya.

Sa kanyang Instagram post noong Pebrero 03, 2022, ibinahagi ni Korina ang pasilip sa panayam niya kay Senator Ping Lacson na tumatakbo sa pagkapangulo sa darating na eleksyon sa Mayo.

Ang panayam niya kay Lacson at sa iba pang presidential candidates ay inere sa Rated Korina, Pebrero 05.

“We go into their personal lives and into what makes them all human like us. I went fishing with Sen. Ping Lacson. And then we sit down for the questions,” aniya sa kanyang caption.

“Ano ang makukuha mo sa loob ng walong minuto sa bawat kandidato. You’ll be surprised. The longer version of the entire interview can be viewed in our YouTube Channel later,” dagdag niya.

“THIS WEEKEND. Can’t miss. Ping Lacson, Bongbong Marcos, Isko Moreno, Manny Pacquiao, Leni Robredo. On #RatedKorina’s Upuan ng Katotohanan.”

Nagdagdag naman si Korina sa comment section sa kanyang post kaugnay sa mga taong naninira sa kanya.

Siya ay nagbabala at nagparinig sa mga ito na malapit na silang imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI).

“Nasan na kaya ang mga walang kaluluwang trolls ba gumugulo at nag iimbento ng kung anu ano tungkol sa akin? Ay. Na block ko na pala sila. Well.”

“Malapit na kayo mapa NBI. You can’t keep on ruining people’s lives with what you do. Better rethink. Is it worth everything wouve worked for that you end up in jail? Food for thought.”

May isang netizen naman ang nag-reply sa kanyang comment.

“Nangangatog na pwet nila sa takot. Buti nga sa kanila, kala nila ganun2 lng manira ng tao. Sila naman ang kabahan at magtago sa pinanggalingan nila.”

Noong Enero, inilunsad ni Korina ang kanyang krusada laban sa trolls at bashers dahil isa siya sa mga target ng mga ito.

Nagpayo din siya noon na i-block ang mga taong mapanira.

“You can start by blocking all those who don’t follow you and those who have just followed you. Anyway, let’s chat in private.”

BASAHIN: Korina Sanchez nais ipakulong ang trolls

Post a Comment

Previous Post Next Post