Viral ngayon ang kwelang marriage vow ng isang bride kung saan ibinahagi niya ang love story nila ng kaniyang mister.

Kuwento ni Rhyzz Balanday, marketing assistant sa isang bangko, iisa ang sagot ng asawang si Jaypie tuwing may magtatanong kung paano ito nanligaw sa kaniya.
“Everytime na tinatanong tayo ng mga tao kung paano mo ko niligawan, ang lagi mo lang sinasagot, kasi nagpapacute ako sa’yo sa branch,” sabi ni Rhyzz.
“Pero sige na nga, aaminin ko na. Totoong nagpapa-cute ako sa’yo kasi ang akala ko, sa’yo ‘yong passbook na dala-dala mo,” aniya, dahilan upang magtawanan ang kanilang mga bisita.
Maging ang mga sumunod na pangako sa kaniyang asawa ay may hugot din kaugnay ng bangko.

“Salamat kasi sa akin mo piniling i-deposit ‘yong pagmamahal mo. ‘Wag kang mag-alala kasi susuklian ko ‘yan ng maraming maraming rewards,” pagpapatuloy ni Rhyzz.
“Pero kapag dumating ‘yong pagkakataon na gusto mo nang withdrawhin ‘yung pagmamahal mo sa akin, o-offeran kita ng mas malaking interes para magbago ‘yong isip mo.”
Sa isang panayam sa PEP ay sinabi ni Rhyzz na dahil teller siya sa bangko kung saan depositor si Jaypie ay madalas silang tuksuhin noon. “Teller ako noon ‘tapos depositor siya. Nagkakataon naman na lagi siyang sa akin natatapat para mag-transact,” aniya.
Limang taon na ang nakalipas mula nang ikasal sila kaya’t masaya siyang nag-viral pa rin ang kaniyang marriage vow.
Seryoso naman ang naging mensahe ni Rhyzz sa ilang bahagi ng kaniyang marriage vow.
“I was a lost girl when I first met you in 2011. Dumating ka sa parte ng buhay ko na confused ako sa maraming bagay. Akala ko tuluyan na akong maliligaw but you may not be aware that choosing you leads me to the right path of my life at ito na yung araw na yun. I will forever be thankful to God that in journey searching for true love, suddenly you came along,” sabi niya.
@karhyzzma my marriage vow ❤️ #marriagevows #funnymarriagevow #iyaktawa #happy5thanniversary ♬ original sound – Rhyzz Canasa – Balan
