Kapag alam mong dumarami ang kaso ng COVID-19, sino ba naman ang hindi mapapraning at hindi gagawa ng paraan para lamang maprotektahan mo ang iyong anak, hindi ba?
Ilan sa atin ay takot talagang lumabas at baka mahawaan ng virus.
Sa Instagram Stories, ibinahagi ng aktres na si Sheena Halili ang mga larawan niya habang karga-karga niya si Baby Martina na may bike rain cover habang palabas sila ng condominium unit.

“Di pa nakakapag-mask si Martina,” sabi niya sa caption.
Makikita sa larawan na walang suot na mask ang kanyang anak kaya siguro ang rain cover ng bike ang ginawa niyang panangga laban sa virus.
“Ladies and gentleman ang praning na nanay ni Martina,” aniya.
“Dahil ayaw nang sumakay ni Martina sa bike niya eto, ako na lang ang nag-suot ng rain cover ng bike niya sasakay kami sa elevator,” dagdag pa niya.

Inamin ni Sheena na isa siyang “praning na nanay” sa kanyang anak na si Baby Martina.
Sinabi ni Sheena na iniisip ng kanyang anak na naglalaro lang sila.
Aware naman daw ang aktres na nakakahiya pero alam niyang maiintindihan sila ng mga nakakakita.
Sino ba naman ang hindi makaiintindi kapag alam mong walang mask ‘yung kasama mo, Eh ‘di gawan ng paraan.
“Ang tagal namin naghintay ayaw namin may kasabay sa elevator. Di pa nakapagmask si Martina.”

Sinabi ni Sheena na ang pagiging maingat ay mas mabuti kaysa magsisi sa huli.
“Alam ko nakakapagod na minsan kahit anong ingat naten tinatamaan pa rin sila ng sakit. Pero at least bnibigay naten best naten to protect them walang “‘sana pala.”
Sina Sheena, 35 taong gulang, at ang kanyang non-showbiz partner na si Jeron Manzanero, ay nagpakasal noong Pebrero 2020, at nagkaroon ng unang anak na si Martina noong Disyembre 12. Uy, honeymoon baby!