Kyline, Mavy sinabing ang kanilang relasyon ay hindi pang 'publicity' lamang: 'Hindi lang ito love team'

Tiyak na maganda ang pagsasama ng Kapuso stars na sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa screen, pero para sa dalawang artista, hindi lang showbiz ang kanilang relasyon.

Ayun sa GMA news, bago pa ang “I Left My Heart in Sorsogon,” sinabi ni Kyline na nagbo-bonding na sila ni Mavy bago sila naging magkatrabaho sa serye.

“Before pa kami magkatrabaho ni Mav, kahit wala pang teleserye, may bonding na talaga kami at lagi na talaga kaming magkasama. We have a strong foundation to start with,” wika ni Kyline.

Dagdag pa niya, “Sasabihin ko na agad na hindi ito anything na pang-publicity lang.” 

Sinang-ayunan naman siya ng kasintahang si Mavy.

“It’s not just for publicity, hindi lang ito love team para sa show,” sang-ayon ni Mavy.

“Sa lahat ng nagsasabing, ‘Ay wala, love team lang to para sa show na to,’ this is only the beginning,” saad ng aktor.

Sinabi rin ng magkasintahan na ang kanilang relasyon ay “special” and their “own.”

Basahin: Kyline Alcantara inamin ang relasyon kay Mavy Legaspi

Kinumpirma nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi ang matagal nang usap-usapan tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Sa vlog ng Kapuso actress na si Kyline na may pamagat na “A day with Kyline and Mavy” ay sinagot nila ang mga tanong na ipinadala sa kanila ng netizens.

Biro ni Kyline, ito na raw ang pagkakataon nila upang masagot ang mga katanungan at matapos na ang mga haka-haka tungkol sa kanilang ugnayan.

“Is it true that you two are in a relationship?” pang-uusisa ng isang netizen.

“It’s a yes! It’s like friendship na relationship, guys. There are a lot of types of relationships and kung anong meron kami ngayon, it’s really our own,” pagpapaliwanang ni Kyline.

Unang pinag-usapan ang tungkol sa relasyon ng dalawa nang mag-post si Mavy sa Instagram ng larawan ng isang babae na may malalim na dimples noong Hunyo. “her. her dimples. yup, that’s the post” caption ni Mavy rito.

Post a Comment

Previous Post Next Post