Lolit Solis sa Bea-Dom photos: 'Parang kilos mag-asawa na ang mga posting nila'

Sa Instagram post ng veteran showbiz columnist na si Lolit Solis ay nagkomento ito sa isang sweet na larawan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

“Parang kung titignan mo ang mga photos nila Bea Alonzo at Dominic Roque talagang makikita mo na parang masyado na silang intimate,” ani Lolit.

Sinabi rin ng beteranong kolumnista na ang dalawa ay parang kilos mag-asawa na, bagay na hindi niya nakikitang ginagawa ni Bea sa kanyang mga nakaraang nakarelasyon.

“Parang kilos mag-asawa na ang mga posting nila na hindi mo nakita nuon sa ibang naka relasyon ni Bea Alonzo. Mukhang dito kay Dominic Roque talagang very open siya, iba iyon body language at para bang wala naman dapat itago.”

Ibinunyag ni Lolit na nagdududa ang iba kung sweet nga ba ang dalawa o gusto lang ipakita ni Bea sa ex-BF niyang si Gerald Anderson kung gaano siya ka-sweet kay Dom.

“Kaya duda tuloy ang iba na para bang ipinapakita lang kay Gerald Anderson iyong sweetness nila ni Dominic.”

“Sinasabi tuloy na para bang on the rebound lang ang lahat. Para nga naman kasi napakasakit sa isang babae na tulad ni Bea ang ma ghosting at ipagpalit sa mas batang Julia Barretto.”

Gayunpaman, ipinahayag ni Lolit ang kanyang pag-asa na walang basehan ang pagdududa ng iba at tunay na nagmamahalan sina Dom at Bea.

Pero sana naman hindi tutoo, at tunay na pagmamahal ang namamagitan between Bea and Dominic, between Gerald and Julia. Mas maganda ng in love sila, dahil mas masaya. Saka maganda silang pareha, bagay. Both pairs should be happy, at sana forever.”

Kasulukuyan namang nasa El Nido Resorts, Pangulasian, Palawan ang aktres kung saan ay nagbabakasyon pa rin ayon sa kanyang latest IG post.

“Still on vacation high from last week’s escapades! Take me back to my home away from home, please?”

Post a Comment

Previous Post Next Post