#LoveWins: 222 na LGBTQIA couples, nagpalitan ng 'commitment vow' sa Quezon City

Love has no limits. Love is universal. Love wins, always,” ito ang ibinahagi ng Alkalde ng Quezon City sa isang Facebook post kaugnay sa mass ‘wedding’ ng 222 couples na kabilang sa LGBTQIA community.

Isa si Joy Belmonte, Mayor ng Quezon City, sa mga  sumuporta sa mga magkasintahang LGBTQIA na nagpalitan ng panata ng kanilang pagmamahalan sa nasabing lungsod.

“Pagbati at isang mahigpit na yakap sa mga magkasintahang LGBTQIA+ na nagpalitan ng kanilang panata ng pagmamahalan ngayong araw! Isang karangalan para kay Mayor Joy Belmonte ang masaksihan ang inyong wagas na pagmamahalan. Tulad ng sinabi ni Mayor Joy kanina, bilang ina ng lungsod Quezon, yayakapin niya ang inyong mga puso at pagkatao ng buong-buo!” saad sa post ng Facebook page ni Mayor Belmonte.

Pinasalamatan din nila ang mga panauhing pandangal na dumalo sa espesyal na okasyon; sina Ms. Mela Hajiban, Ms. Ging Cristobal, Ms. Maica Teves, Councilors Ivy Lagman, Irene Belmonte, Hero Bautista, Action Officers Tommy de Castro, Bong Teodoro, at Al Flores.

Makikita naman na nakasuot ang bawat isa ng mask na may kulay bahaghari. Ito ay “rainbow flag” na kinikilalang simbolo ng LGBTQIA sa buong mundo.

Paano naging simbolo ang kulay ng rainbow sa mga LGBTQIA?

Ang bandila ng LGBTQIA ay ginawa noong 1978 ni Gilbert Baker, isang gay rights activist, army veteran, artist, at self-styled na “gay Betsy Ross.”

Ginawa niya ang bandila para sa ”Gay Freedom Pride Parade” sa taong 1978 sa San Francisco, sa kahilingan ni Harvey Milk, isang gay na politiko.

Ang bandila ay nagbago sa paglipas ng mga taon. Ang kontemporaryong bersyon ay may anim na kulay, ngunit ang orihinal ay may walo. Bawat kulay ay may sariling simbolikong kahulugan.

Pink para sa sexuality, pula para sa life, orange para sa healing, dilaw para sa sunlight, berde para sa nature, turquoise para sa magic, asul para sa peace, at purple para sa spirit.

Marami namang netizens ang bumati sa mga bagong ‘kasal’.

“I’m from sto tomas batangas madam but i support because of this you show equality to all gender thank you madam.”

“Congrats sa lahat ng LGBT na ikinasal talagang napatunayan nyong love always win talaga.”

“Congratulations to those given a chance to exchanged vows. I hope that this event is the start kudos to Mayor Joy Belmonte for making the LGBT Dreams into a reality.”

Post a Comment

Previous Post Next Post