Viral ngayon sa social media ang magkasintahang pulis na nagkaroon ng proposal moment.
Ang naturang video ay tungkol sa marriage proposal ng isang pulis na si Sergeant Reyan Lopez sa kaniyang nobyang police trainee sa Koronadal, South Cotabato.
Sa ulat ng ABS-CBN, makikita na umiiyak ang nobyang pulis na nakilalang si Patrolwoman Ivy Bacongco na nakapiring pa habang pinapagalitan umano ng officer pero bahagi lamang pala ito ng proposal.

“Nasa duty po ako noon as police trainee tapos pinatawag po kami lahat ng field training officer kasi mayroon daw kaming kasalanan,” ani Ivy.
Upang maging makatotohanan at hindi mahalata, maliban kay Ivy na siya umanong may kasalanan ay hindi siya isinama sa parusa. Ang mga kaklase lamang ang pinag-ehersisyo bilang ‘parusa‘.
Ang inakalang kasalanan sa training ay surpresang marriage proposal pala!
“Iyak po ako nang iyak kasi po nakokosensiya ako sa mga classmate ko kasi dahil sa akin, pinahirapan po sila,” kuwento ng nobyang pulis.
Nang pinaalis na ang kanyang piring, nasurpresa at mas lalong napaiyak si Ivy nang makita ang tarpaulin na may nakasulat na, “Babe, pakasal na ta.”

Sino ba naman ang hindi maiiyak at magi-guilty kapag lahat ng kaklase mo ay naparusahan at ikaw daw ang may kasalanan?
Nakita niya na nakapalibot ang mga officers at mga kaklase na may mga hawak pang balloons at mga humihiyaw, kasabay ng pagluhod ng nobyo.
Matindi man ang naging eksena ay napasagot na rin ng matamis at emosyonal na ‘oo’ si Ivy ng kanyang kasintahang si Sergeant Reyan.

Ikinasal na ang dalawa noong Agosto 14, 2021 at kasalukuyang nagdadalantao si Ivy.
Noong Mayo 2020 pa pala nangyari ang nasabing proposal, ngunit kamakailan lamang ibinahagi online.
Ang viral video ay humakot na ng halos 2M views at bumuhos ang pagbati mula sa netizens.
“Ang sweet sana all, congrats and best wishes!”
“Sobrang cute na proposal. Love it . Congratulations Sir and Maam!”
“This is a beautiful story to tell to your future kids… Wish you both happiness and love of togetherness!”
February 15, 2021 nang ito ay ibinahagi ni Ivy sa kanyang Facebook wall bilang throwback:
“8 years and fighting este counting gali. Situations may be hard sometimes but rest assured I will never give up on you. I have had too many pain and happiness with you. Enough for me not to let go. The world is imperfect but we’ll deal with it with our amazing love for each other. I’m sorry for the headaches. And thank you for the butterflies. I love you so much. Hold my hands tightly as we journey to forever. Throwback sa snappy proposal.”