'Grabe pala': Kim Chiu, napuyat manood ng videos kaugnay sa tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine

Kamakailan ay nagbahagi ang TV-host at aktres na si Kim Chiu ng kanyang nararamdaman nang mapanood niya ang video kaugnay sa kaguluhang nagaganap sa Russia at Ukraine.

Sinabi ng aktres na napuyat siya sa kanyang panonood sa kadahilanang nais nitong malaman ang totoong nangyayari sa dalawang bansa.

Sa kanyang IG stories, matapos mapanood ni Kim ang mga videos ay agad itong naglabas ng saloobin.

“Yung napuyat ka kakanood ng videos about Russia and Ukraine. Wala lang, gusto ko lang ma-gets. Now I know, grabe pala,” ani Kim.

Ayon pa kay Kim, gusto niyang maintindahan at malaman kung bakit at paano nagsimula ang alitan ng Russia at Ukraine.

Habang ibinabahagi ni Kim ang kanyang saloobin ay may kalakip rin itong larawan na makikitang gulat at halatang wala pang tulog ang aktres-host.

Nanonood pala ang aktres sa TikTok, kaya naman nabanggit niya na marami rin palang makukuhang balita o update mula dito ngayon.

“In fairness, sa TikTok dami mo makukuhang info, news, and all. Wala lang, share ko lang, baka madami rin curious about it like me,” pagpapatuloy ng aktres.

Nanawagan din ng palangin ang aktres para sa dalawang bansa. Sana ay manaig ang kapayapaan sa mundo, “Pray for Ukraine. Pray for Russia. Pray for world peace.”

Si Kim Chiu ay isa sa pinakaprominenteng aktres sa Philippine Showbiz sa kasalukuyang panahon. Nakilala ito nang pumasok sa Pinoy Big Brother.

Basahin: Kim Chiu muling nag-sorry sa animal lovers dahil sa viral comment hinggil sa ‘maingay na pusa’

Matatandaan na nag-viral ang aktres tungkol sa ‘maingay na pusa’, na kalaunan ay humingi naman ng paumanhin sa mga animal lovers matapos kumalat ulit sa social media ang kaniyang komento noon.

Basahin: Madamdaming tagpo: Ama sa Ukraine ipinadala ang anak na babae sa safe zone, nagpaalam

Post a Comment

Previous Post Next Post