Neil Sese aminadong gabi-gabing iniiyakan noon ang negosyong sinimulan sa gitna ng pandemya

Hindi biro ang magsimula ng negosyo sa gitna ng pandemya, lalo na kung baguhan ka lamang at galing pa sa ibang industriya; katulad na lamang ng Kapuso actor na si Neil Ryan Sese na gabi-gabi raw noong iniiyakan ang seafood business na sinimulan niya sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

neil sese

Sa recent episode ng Mars Pa More, ibinahagi ni Neil na kabilang siya sa mga artista na nawalan ng trabaho at raket sa industriya noong kasisimula pa lamang ng pandemya, kaya naman nag-isip siya ng paraan para kumita ng pera habang walang proyekto. Food business ang naging sagot sa pangangailangan niya noon na magkaroon ng source of income.

Ngunit hindi raw naging madali ang lahat.

“Ang hirap ng negosyong seafood. Mahilig lang ako sa seafood pero wala akong alam sa business side. Noong nag-start na ‘yong business, grabe ang hirap talaga, nalula ako. First three weeks ko, umiiyak ako gabi-gabi,” kuwento ni Neil.

“First three weeks, grabe, gabi-gabi, promise,” aniya. “Naiiyak talaga ako, ‘Ang hirap, kaya ko ba ‘to?’ Umiiyak talaga ako sa anak ko, sa asawa ko. Mga three weeks na gano’n.”

neil sese

Pag-amin pa ni Neil, bukod pa sa pressure sa kanya bilang business owner, kasama rin sa mga nagpahirap sa kalooban niya ang mga taong nagtatawa sa ginagawa niyang pagtitinda.

“May kasama pa, ‘yong mga kaibigan mo pinagtatawanan ka. Na parang, ‘Artista ka tapos ngayon nagbebenta ka ng seafood, nagde-deliver ka pa,” aniya. “Nakakaiyak kasi alam ko naman noong una na joke lang sa kanila iyon, pero noong time na iyon sensitive ako. Halimbawa kung napagkuwentuhan namin no’ng regular inuman, tatawanan ko ‘yan,” ani Neil.

neil sese

Pero dahil sa pagsisikap niya na itaguyod ang sinimulang negosyo, nagsimula nang maging maayos ang takbo ng seafood business niya. Dumami raw ang kanilang customer at maging ang mga kapwa niya artista ay bumibili na rin sa kanya. Mensahe ni Neil sa mga nagsisimula pa lamang sa negosyo, “Sa una lang mahirap ang lahat ng bagay. ‘Yong kasabihan na kung may tiyaga may nilaga, totoong-totoo po ‘yon.”

Post a Comment

Previous Post Next Post