Walang tigil ang mga netizen sa pambabatikos sa aktres na si Dawn Chang matapos nitong banggain ang singer at aktres na si Toni Gonzaga kasabay na rin ang isyu sa pagitan nila ni Cristy Fermin.
Sunod-sunod naman ang tweet ni Dawn kaugnay sa mensahe at komento sa kanya ng ilang netizens. Mayroon din namang pinapalakas ang loob ng aktres kasama na rin ang pagsuporta sa kanya ng ilan niyang followers.
Nagpasalamat siya sa mga taong nagpapakita sa kanya ng suporta sa gitna ng pambabatikos na natatanggap niya.
“Thank you to everyone who sent me messages. It was unexpected. Nakakataba ng puso. Maraming salamat po.”

Mayroon ding nagsabi sa kanya na huwag na siyang makisawsaw sa politika.
“Kung gusto mo magka-career ‘wag kang makisawsaw sa politika. Unless gusto mo mapansin at bayaran ang endorsement mo. Kaso sikat ka ba? May fan base ka na ba?”
Hindi naman ito pinalampas ni Dawn at ni-retweet niya ang pahayag ng basher kalakip ang kanyang mensahe dito.
Aniya, “Kung basehan ang kasikatan upang magkaroon ng karapatan magsalita at ipaglaban ang tama, pwes, tumahimik ka.”

Kasunod nito ay nag-tweet pang muli ang aktres hinggil sa karapatang pantao.
“Pag ikaw ay isang “baguhang” artista, wala kang karapatan. Pag hindi ka sikat, wala kang karapatan. – Toxic Filipino mentality.”
Matatandaan namang sinabihan siya ni Cristy Fermin sa diumano’y pakikipagl*ndian niya sa mga boss kaya ito nagkakatrabaho.
Tanong ng isang netizen, “Totoo po ba ang paratang ni permin na pumatol ka po sa boss ng abs cbn para mag artista?”
Tumugon nman ang aktres at sinabing “Naghihintay din ako ng pruweba. Ang tagal. Hahaha.”
Basahin: Cristy Fermin kay Dawn Chang: ‘Ikaw ang dapat i-bash

Basahin: Kampo ni Dawn Chang, naglabas ng statement kaugnay sa mabigat na alegasyon ni Cristy Fermin
Ilang supporters niya rin ang nagsasabi na ituloy ng aktres ang laban kay Cristy.
“Ituloy mo lang ang laban mo kay Cristy Fermin nasa likod mo kami. Dami ng artista ang chinichismis niya na hindi naman totoo kahit alam nyang fake news ung binalita nya hindi naman sya marunong magpublic apology. Ituloy mo lang ang kaso.”
“Yung tapang mo magsalita ang dapat tularan, hindi takot sa sasabihin ng iba dahil nasa tama ka, tama yun sinabi mo na nakakadisappoint naman talaga yung ginawa na pagsuporta sa taong nagpabagsak sa tahanan na nagbibigay ng trabaho. Ang sakit lang isipin na ganun.”
Basahin: Cristy Fermin sumagot sa kampo ni Dawn Chang, “Wala akong babawiin, walang public apology”