Netizen nagbabala tungkol sa pag-alis ng garapata sa balat ng tao

Marami sa atin ang may mga alagang aso at pusa pero alam n’yo bang ang garapata ng aso ay maaaring magdulot ng panganib sa atin lalo na sa ating mga anak?

Ganito ang naging pag-aalala ng isang nanay na ang anak ay nakitaan niya ng garapata sa katawan.

Ibinahagi ng inang si JesMilnuebesa kanyang TikTok account ang video na nagpapakita na nagkaroon ng garapata ang anak sa katawan.

Pinapaliguan  niya umano ang kanyang anak nang may mapansin siyang may tila kulugo malapit sa kili-kili ng anak.

“Pinaliguan ko ang anak ko nung isang araw may nakapa ako sa may kili-kili niya nang tiningnan ko ay kulugo, dahil madilim ang bathroom namin,” nakasaad sa video,  Tiningnan niya itong muli at nakita niyang isa pala itong garapata!

Naghanap agad sila ng tip online kung paano matatanggal ang garapata sa kanyang anak.

Ibinahagi niya ang kaalaman kaugnay dito habang ipinapakita kung ano ang kanilang ginawa.

Ayon sa nag-upload ng video, “Marahil nagtataka kayo, guys, kung bakit hindi ko na lang binunot ng pinset kasi may sinasabi ang doktor na hindi puwedeng maiwan ang bibig ng garapata sa balat ng tao kasi puwede siyang mag-cause ng infection at the same time, kumalat ang bacteria.”

Ang video na ibinahagi sa TikTok ay nakatanggap  ng maraming komento at humakot ng maraming tap-heart na umabot na sa 9.4K at 2.8k shares, as of posting.

“Thanks for sharing!”

“Take very good care of your child. God bless”

“Monitor nio nlng mam npaka delikado yan pg na infection ‘yan mam.”

@jess_isit For those who will experience this!!! Take care with your pets! 🥺😰 #fyp #foryoupage #trending #tiktokphilippines ♬ original sound – JesMilnuebe

“Thank you for the info. Sana di magka infection ang anak mo.”

Marami naman ang nagkomento na sinisi pa sa pusa ang garapata sapagkat sa aso lamang ito nakikita, “Luh sinisi pa yong pusa.”

“Pusa talaga, ang alam ko ganyang garapata galing sa aso.”

Sinabi naman niya sa video na nakuha niya ang garapata sa kanilang mga alagang pusa, lumalabas daw kasi ito at bumabalik sa kanila at niyayakap naman ng kanilang anak.

Nagpaalala naman siya na ingatan ang mga anak na mahilig magyayakap sa mga alagang hayop lalo na kapag may garapata ito.

Ano ang sanhi ng garapata sa aso

Ang garapata o tick sa ingles ay isang uri ng kulisap, kuto o gagamba na nabubuhay sa ibabaw ng katawan ng mga hayop at sumisipsip ng dugo ng mga ito. Karaniwan itong nakikita sa mga aso. Ang parasitong ito ay kulay kape at ang kanilang pangunahing pagkain para mabuhay ay ang pagsipsip ng dugo sa mga hayop partikular na sa mga aso. Ang garapata ay mapanganib sapagkat maaari itong magdala ng iba’t ibang sakit sa pamamagitan ng pagsipsip nito sa iba’t ibang hayop.

Ang garapata ay naninirahan sa mga kakahuyan, paborito nito ang madumi, mamasa-masa at maalinsangang lugar. Maaaring magkaroon ng garapata ang iyong alagang aso kapag mahilig itong mahiga sa maduduming higaan at kapag madalas itong makisalamuha sa ibang mga hayop. Ang mga garapata ay palipat-lipat, at dahil sa mabilis at marami sila kung mangitlog, mabilis rin ang kanilang pagdami.

Post a Comment

Previous Post Next Post