Ang Pambansang Marites at businessman na si Xian Gaza ay nagpahayag tungkol sa kanyang “political stand.”
Sa kanyang FB account, “Warning: Toxic political post ahead,” caption sa kanyang wall. Makikita ang screenshot ng kanyang reply sa komento na, “But Gaza is campaigning for Leni with the same foreign policy mindset. Isn’t it ironic?”
Paliwanag ni Xian, hindi niya umano kinakampanya si VP President Leni Robredo ngunit ito ang kanyang personal choice.

“I’m not campaigning for Leni but she is my personal choice. Ang taong may utak ay hindi ginagawang Panginoon ang bet niyang kandidato,” aniya.
“Kung mali si Leni sa kanyang foreign policy then dapat natin siyang i-correct,” dagdag pa niya.
Samantala, naniniwala umano ang negosyante na kung mananalo ang dating senador na si Bongbong Marcos ay hindi umano ito magnanakaw sa kaban ng bayan dahil marami itong bilyong dolyar na umano’y ‘hidden wealth.’
“Naniniwala ako na kagaya ng kanyang ina, si BBM ay magiging mahusay when it comes to international relations. Naniniwala rin ako na kapag nanalo si BBM ay hindi siya magnanakaw sa kaban ng bayan because they already have hundreds of billions of dollars na hidden wealth sa iba’t ibang bahagi ng mundo. There’s no point to acquire more,” saad ni Xian.

“I also believe that BBM is a more competent president kumpara kay Leni na walang kalatoy-latoy,” aniya.
Kahit palutang-lutang, gayunpaman ay si VP Leni pa rin ang gusto niya sapagkat marunong umano itong makinig sa mga tao.
“Siya ang kailangan ng Pilipinas. Naniniwala ako na kung sakaling manalo si Leni eh it will be a government by the People,” aniya pa.
“Maitatalaga niya ang tamang tao sa bawat ahensya ng gobyerno at sobrang makikinabang ang bawat Pilipino.”

Subalit hindi rin niya kinakampanya si Leni dahil naniniwala siyang si Bongbong mananalo sa darating na halalan 2022.
Sa mga survey na isinagawa ng mga kilalang ahensya, ilang beses nang nanguna si Marcos Jr. at pumapangalawa minsa’y pangatlo si Robredo.