Inanunsyo ng PCSO General Manager na si Royina Garma nitong Pebrero 2 na ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay handa nang mag-roll out ng mga bagong revenue-raising lottery games sa unang quarter ng taon.
“We are planning to launch new lottery games during the first quarter of the year,” ani Garma.
Sinabi ni Garma na nakapag-secure ang PCSO ng preliminary clearances mula sa Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) at sa Department of Budget and Management.

Sa isang pampublikong abiso na inilathala sa ‘The STAR’ noong nakaraang linggo, bago pumirma sa kontrata ng mga bagong ilalabas na laro, ang charity agency ay naglabas ng mga panibagong panuntunan sa evaluation at proseso ng PCSO kaugnay sa game protocols.
Hinihintay na lang daw nila ang opinyon ng OGCC para makapagpatuloy sila sa planong ito.
“Actually may dalawa [games] po nasa pipeline ngayon. Supposed to be, we could have launched it December last year, but medyo may mga legal concerns kaming kailangan i-address pa muna ngayon and hopefully we will be able to address this one. May mga hinihintay pa kaming legal opinion for us to proceed.”

“I hope that the OGCC will render a favorable opinion soon so we can have a contract signing with PCSO agents.”
Sinisikap ng PCSO na pataasin ang revenue ng ahensya upang matupad ang mandato nitong paglalaan ng 40 porsiyento ng mga pondong pangkawanggawa nito sa pagpapatupad ng Universal Health Care Law.
Ang isa sa mga bagong laro sa lotto ay tinatawag na ‘win-a-billion,’ kung saan ang jackpot na P1 bilyon ay ibobola nang tatlong beses sa isang linggo para sa minimum na taya na P100. Ang consolation prize naman ay nagre-range mula 100 million to 500 million pesos.

Ang ‘Birthday Panalo’ ay isang 2 digit na laro kung saan nag-aalok sa mga manlalaro ng lotto ng pagkakataong manalo sa araw ng kanilang kapanganakan.
“We will launch the Birthday-Panalo game. This will be the first online betting game.” Sa larong ito, ang manlalaro ay magkakaroon ng garantisadong 1-taong pagkakataong manalo.