Rihanna at A$AP Rocky magkakaanak na

Ibinunyag ng singer at fashion icon na si Rihanna ang kanyang baby bump sa Harlem noong weekend, kung saan makikita na siya ay buntis sa kanilang unang anak ng katipang si Rakim.

Ayon sa Inside Edition, ang singer ay naispatan na kahawak-kamay na naglalakad kasama ang kanyang partner na si Rakim Athelaston Mayers o mas kilala bilang ‘A$AP Rocky,’ isang American rapper at record producer mula sa Manhattan.  Si Rihanna ay nakasuot ng mahabang pink na jacket na nakabutones lamang sa itaas, na ipinares sa isang mahabang bejeweled na kuwintas.

Ang mga larawang nakunan sa New York ay inilabas at nai-post sa Instagram noong Lunes ng celebrity photographer na si Miles Diggs.

Si Rihanna, 33-anyos, ay ilang taon nang  nagbabanggit sa kanyang mga tagahanga na mayroon siyang upcoming album. Taong 2016 pa noong huli siyang naglabas ng kanyang music album na ‘Anti.’

Simula noon ang Barbadian singer na si Robyn Rihanna Fenty ay naging isang bilyonaryo, kung saan naging matagumpay siya sa larangan ng musika, at napa-venture na rin sa lingerie at mga high fashion brands.

Umikot ang mga usap-usapan na sina Rihanna at A$AP Rocky, 33 taong gulang din, ay may namumuong romance. Ilang taon din ang dumaan bago kinumpirma ng dalawa ang kanilang pag-iibigan. Taong 2021 lamang nang opisyal nilang inanunsiyo na sila na nga.

Sa isang panayam sa GQ magazine na inilathala noong Mayo 2021, tinawag ni Rakim si Rihanna na “love of my life” at “the One.”

Tinanong ito kung handa na ba siyang maging ama. “I think I’d be an incredible, remarkably, overall amazing dad,” sagot ni Rakim.

 

“I would have a very fly child. Very,” dagdag pa niya.

Sa isa pang tanong, kung ano ang pakiramdam nito na nakarelasyon ang singer.

“So much better when you got the One. She amounts to probably, like, a million of the other ones,” aniya.

Samantala, masaya naman at excited ang ama ni Rihanna na si Ronald Fenty, ayon sa panayam ng Page Six kamakailan.

“I’m ecstatic,” saad nito. “I’m so happy that I jumped for joy. I’m still so excited.”

Ayon pa sa grandpa-to-be, “Rihanna always said that she wanted children, she loves kids. She always takes care of her cousins’ kids…she’s going to be a good mom.”

Post a Comment

Previous Post Next Post