'NapakasakÏt sa kamay pero priceless': Jolina nagtahi ng damit para sa laruang ipis ng anak

Ang mga magulang, gagawin ang lahat mapasaya lamang ang anak; kahit mapagod, kahit mahirapan, kahit gumawa ng mga nakakatawang bagay. Katulad na lamang ng ginawa ng aktres na si Jolina Magdangal para sa kanyang anak na si Vika Anaya. Ang popular 90s star, nanahi lang naman ng bestida para sa laruang ipis ng kanyang munting prinsesa.

Sa Facebook, ibinahagi ni Jolina ang mga litrato ni Vika na manghang-mangha at tuwang-tuwa sa OOTD (outfit of the day) ng kanyang laruang ipis na si Ipi.

“Anak! ‘Pag malaki ka na, ipapa-frame ko ang picture na ito para alam mo kung gaano kita kamahal,” saad ng aktres sa caption ng mga larawan. “‘Di ko alam pa’no ko natapos magtahi ng damit para sa ipis pero dahil buong araw n’ya ako kinukulit na gawan ko daw ng damit si ‘Ipi’, ayan ang dress. Napakasakit sa kamay! 😂😂😂😂
Pero napaka-priceless ng ngiti at kilig mo.”

jolina ipis

Ikinatuwa at hinangaan ng maraming social media users ang ginawang ito ni Jolina. Anila, sa kabila ng pagiging abala nito bilang isang celebrity ay nagkaroon pa ito ng oras para manahi ng damit para sa napakaliit na laruan ng kanyang supling. Marami rin ang naka-relate at nagsabi na sila man ay gumagawa ng mga ganitong bagay para sa anak.

jolina ipis

Ang paboritong laruan ni Vika

Matatandaang nauna nang ibinahagi ni Jolina ang tila koneksyon sa pagitan ni Vika at ng laruang ipis na si Ipi. Aniya, katabi pa ng kanyang supling sa pagtulog si Ipi at may sarili pa itong unan at kama.

“Anak, bakit naman parang may koneksyon kayo ng bago mong paboritong alaga? At talagang may sariling kama at unan pa ha. P.S. Buti nalang laruan lang,” wika ng aktres.

jolina ipis

May nakatutuwa at nakaaaliw na istorya ka rin ba tungkol sa laruan ng iyong anak? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section!

Post a Comment

Previous Post Next Post