“Siguro Salve seryoso na ang relationship ni John Lloyd Cruz sa GF niyang painter.”
Ito ay ayon kay Lolit Solis, isang talk show host, entertainment news writer, at talent manager. Mukhang seryoso na umano ang ‘relasyon’ ng aktor na si John Lloyd Cruz sa kanyang rumored girlfriend, na isa umanong painter.

Sa Instagram post ni Lolit Solis ay ibinahagi niya ang kanyang obserbasyon sa aktor na si John Lloyd at sa tinutukoy nitong girlfriend ni JLC; “Kasi nga isinama na niya ito sa bonding time nila ng anak niyang si Elias.”
Aniya, maganda ang set up na nakakapag-bonding pa rin silang mag-ama dahil parehas niyang nakakasama ang kanyang mga mahal sa buhay sa mga panahon na hindi siya busy sa pagtatrabaho.

“Siyempre naman hindi gugustuhin ni John Lloyd na malito ang bata na may kasama siya now, then later iba naman,” pagpapatuloy niya.
“Mukhang serious siya sa GF para makasama ito sa precious time niya sa anak na si Elias. Cute naman dahil gandang set up, sabay mong kasama ang mga taong mahal mo sa libre mong oras.”
Pinuri naman ni Nay Lolit si John Lloyd dahil kahit busy ito sa kanyang schedule ay naiisingit pa rin niya ang pagkakaroon ng oras bilang ama sa kanyang anak.
“As of now, busy sked ni John Lloyd dahil may regular show siya plus mga guesting. Sa nakikita mo, parang good father si John Lloyd dahil nagbibigay oras siya para sa anak.”
Nagbiro pa ang talent manager. Aniya, “Bongga Salve at Gorgy, apply ma kayong nanny ni Elias para kasama kayo pag bonding time nila ni Lloydie, heh heh heh.”

Ang obserbasyon ni Manay Lolit ay tila mula sa mga nakalap na updates kay John Lloyd. Sa pagbabahagi ng PEP ay lumabas ang ilang larawan ng bonding ng mag-ama kasama ang kabigan nitong artist na si Isabel Santos.
Matatandaang nag-post sa Instagram Stories si Isabel ng larawan na kasama ang mag-ama at tatlo pang iba na nasa tapat ng isang pond na maraming isdang koi. Bago pa ito ay makailang beses na ring nagbahagi ang artist ng ilan pang litrato ni John Lloyd na kuha sa isang beach.
Nobyembre 2021 nang naging usap-usapan ang mga larawang ipino-post ni Isabel na sa pakiwari ng netizens ay walang iba kundi si JLC mismo. Sila na nga kaya talaga?