Single mom nagsumikap, nakapagpatayo ng sariling bahay

Ang pagpapalaki ng anak ay talagang mahirap ngunit ang pagpapalaki sa kanila bilang isang single parent ay tunay namang mas mahirap dahil tanging ikaw lang ang magtataguyod sa kanila.

Ang pagiging single parent ay hindi naging hadlang para kay Wendee Arriesgado mula sa Cebu para makapagbigay ng magandang tahanan sa kanyang tatlong anak.

Sa tinatayang kabuuang gastos na P700,000, naipatayo niya ang kanyang two-story dream house.

Ang kahanga-hanga tungkol dito ay binuo niya ito mula sa kanyang sariling salary savings at hindi sa loan.

Ibinahagi ni Wendee na mahirap ang pagba-budget at disiplina na ginawa niya para makarating sa ganitong sitwasyon.

Siya ay nakatira kasama ang kanyang tatlong anak sa Cebu City noon ngunit napagtanto niya na ang living arrangement sa city ay hindi gagana para sa kanyang pamilya.

May mga renta at amortization siyang dapat isipin bawat buwan at bilang nag-iisang breadwinner na rin, napatunayan niyang napakahirap ng pamumuhay sa lungsod.

Noong 2019, nagpasya si Wendee na manirahan sa isang lugar sa probinsya kung saan maaari siyang magpatayo ng bahay at tawagin itong sarili nila. Dahil gusto ni Wendee na malapit sa dagat ay pinili nilang manirahan sa Daanbantayan, Cebu.

Ang kanyang inisyal na pondo ay P200,000 lamang nang magsimula ang pagpapatayo ng kanilang bahay. Huling quarter na noong 2020 nang ibinahagi niya na siya ay nagtrabaho nang mas maigi. Mayroon din siyang side projects at nag-o-overtime pa ito.

Sinuwerte rin si Wendee nang makahanap siya ng supplier ng construction materials na sumang-ayon sa isang flexible payment scheme (tuwing ika-15 ng buwan).

Ang kanyang payo ay gawin mo kung ano ang iyong mga bibitawang salita. Kung sasabihin mong magbabayad ka, magbabayad ka. Iyon ang mindset na dapat mayroon ang lahat ng may utang, ‘di ba?

Sa lahat ng nagpaplanong magpatayo ng sarili nilang tahanan, paalala ni Wendee na magkaroon ng concrete plan, monitor finances, at magkaroon ng ‘thrifty lifestyle’.

Ibinida ang kanyang kuwento ng Kapuso Network:

\

Post a Comment

Previous Post Next Post