Nakailang episodes ka na? Isang linggo pa lamang mula nang nag-premiere ang Netflix original na ‘All of Us Are Dead‘ ngunit nag-trending agad ito mula pa noong unang araw. Humakot din ng atensyon ang mga bida ng serye kaya’t hindi na nakagugulat na sa isang iglap ay lumobo ang bilang ng followers ng mga gumanap dito.
Ang ‘All of Us Are Dead‘ ay isang live-action adaptation ng sikat na Korean webtoon na ‘Now at Our School’ na sinulat ni Joo Dong-geun. Ito ay nalathala mula Mayo 2009 hanggang Nobyembre 2011.
Ang adaptation ay sinimulang ipalabas sa Netflix nitong Enero 28, 2022. e

Umiikot sa grupo ng mga mag-aaral na na-trap sa isang paaralan nang magka-zombie outbreak ang kuwento. Ang serye ay nahahati sa labindalawang episodes. at pinagbibidahan nina Yoon Chan-young, Park Ji-hoo, Park Solomon, Yoo In-soo at Choi Yi-hyun.
Lima ang pangunahing karakter sa series na ito; sina Chung-san (Yoon Chan-young), On-jo (Park Ji-hoo), Lee Soo-hyuk (Park Solomon), Yoon Gwi-nam (Yoo In-soo) at Nam-ra (Choi Yi-hyun).
Si Yoon Chan-young ay isang dating child star na nagpakitang gilas sa mga matitinding eksena sa series.
Si Park Ji-hoo ay napanood sa 2019 film na House of Hummingbird na nagdulot sa kanya ng Best Actress Award sa International Narrative Feature Film Award sa 18th Tribeca Film Festival.
Si Lomon na isang dating modelo ang resident heartthrob sa series na nagpapakilig sa marami.
Si Yoo In-soo ay unang naipakilala sa 2017 television series na “Strong Girl Bong-soon’ . Napasabak din siya nang matindi sa webtoon adaptation.

Si Cho Yi-hyun, na gumanap bilang class president, ay huling napanood sa ‘Hospital Playlist’ sa Netflix. Makailang beses na rin siyang napabilang sa ilang drama project na may temang high school.
Kabilang din si Lee You-mi sa cast bilang isang mayamang mag-aaral na kaiinisan ng mga Netflix fans. Napanood siya sa ‘Squid Game’ bilang si Player No. 240.
Tumaas lalo ang popularidad ng South Korean TV matapos ang matagumpay na pagpapalabas ng Netflix original na ‘Squid Game‘. Walang duda, napatunayang malakas rin ang hatak ng pinakalatest na zombie series.
May kahanga-hangang kasaysayan ang South Korea pagdating sa paggawa ng nakabibilib na Zombie movies. Noong taong 2016, ‘binuhay ng pelikulang ‘Train To Busan‘ ang nananamlay nang genre at ito’y nakatanggap ng matinding pagkilala at pagbubunyi. Pumatok ito sa box office at kumita ng mahigit $98 million.

Sa trailer at teasers pa lang na inilabas ng Netflix, mahihinuha mo nang matindi ang pagkakagawa sa kabuuan ng AoYaD. Walang tipid sa effects. Kapansin-pansin din na hindi na usad pagong ang mga zombies dito gaya ng sa pelikulang ‘The Walking Dead‘.
Ang ‘All of Us Are Dead’ ay isinulat ni Chun Sung-il, at idinirehe ni Lee JG at Kim Nam-su. Sa ilalim ito ng produksyon ng JTBC Studios in association with Film Monster at ito’y magpi-premiere na worldwide, ngunit sa Netflix lamang,
Kabilang din sa cast ang ilang kilalang Korean actors.
Ayon kay Director Lee Jae Gyu, “Socialized adults make safe choices in dangerous situations, but children make risky choices or judgments to save their friends before such accidents happen.”
Tara na’t sumilip sa trailer na ngayon pa lang ay may mahigit 15 milyon nang views:
Kung gusto mo namang makita ang mga bida sa nakatutuwa at cute nilang anyo, silip ka sa ibinahaging video ng ‘WhenInManila via YouTube: