Matatandaang humingi ng tulong si Marlou Arizala, aka Xander Ford, kay Xian Gaza noong Pebrero 23, 2022. Aniya, “Boss buhay pa po ako baka may pa trabaho po kayo d’yan. Miss you boss Xian.”
Tumugon naman si Xian at binirong ipadadala niya ito sa Ukraine. “I miss you too. Kamusta na? long time. Dalhin kita sa Ukraine.”
Subalit mistulang hindi ito nasakyan ng dancer-vlogger. Aniya, “Sige lang boss, makapag-work lang, pantustos sa pamilya ko.”
Kaagad namang bumawi si Xian at inusisa nito kung ano ang ginagawa ngayon ni Xander.

“Joke lang yung Ukraine, may gyera ngayon doon. Anyway? Ano na ba pinagkakaabalahan mo ngayon sa buhay?” tugon nito.
Basahin: Xian Gaza biniro si Xander Ford matapos nitong humingi ng tulong: “Dalhin kita sa Ukraine”
Sa Facebook post ng Pinoy businessman na si Christian ‘Xian’ Gaza ay ibinahagi nito ang mga screenshot ng usapan nila ni Xander hinggil sa ibinigay niyang trabaho rito matapos nitong humingi ng tulong sa kaniya.
Sa nasabing screenshot, sinabi umano ni Xian na 5k per month ang magiging salary ni Xander dahil ite-testing muna nito kung maayos ang magiging performance niya.
“Ikaw na ang magiging messenger relations officer ko. Naiirita na kasi ako na sa tuwing paggising ko eh binubulaga ako ng maraming messages. Not good for my mental health,” aniya.

“Simula ngayon eh ikaw na ang makikipag-usap sa kanila in behalf of me. I-ignore ko na sila from time to time. Kung may need sila sabihin sa akin, dadaan muna sayo,” dagdag pa niya.
“Ite-train kita. Don’t worry.”
Para kay Xander ay basic lang daw ang trabaho na ibinigay ni Xian sa kaniya.
“Beri basic boss. ‘Yung mga importanteng tao lang ang aking kakausapin, pag alam ko naman na non-essential haha dismis kuna usapan.”

Sa isang naunang post ni Xian na may title na ‘DEBUNK: “EVERYONE HAS THEIR OWN TIMELINE’ ay ibinahagi niya na parehas silang naghirap ni Xander sa buhay noong 2018.
Ngunit mapapansing sobrang layo ng kasalukuyang estado ni Xander Ford kay Xian Gaza. Ipinaliwanag naman ito ni Xian.
Aniya, Xian is laser-focused with his life goals. Crystal clear sa kanya yung patutunguhan niya. Alam niya kung ano yung landas na kanyang tatahakin. Malinaw ang plano niya sa buhay.