Xian Gaza ‘inaming' may gusto kay Barbie Imperial; humingi ng tawad

Trending na naman si Xian Gaza kasabay halos ng balitang kumpirmadong hiwalay na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.

Kung matatandaan, si Xian ang nagpasimula noon ng intriga sa pagitan ng dating magkasintahan at idinawit pa nga ang pangalan ni AJ Raval.

BASAHIN: Aj Raval nagsalita na sa isyu kay Barbie Imperial

Nitong Sabado, Enero 5, may ibinahagi na naman ang kontrobersiyal na negosyante tungkol sa kaniyang tunay na dahilan umano kung bakit niya ginugulo sina Barbie at Diego.

Sa screenshot na inilabas ni Xian sa isang Facebook post, mababasa rito ang naging DM niya kay Barbie kung saan inamin nitong may gusto siya sa aktres.

Aniya, “Alam mo ba kung bakit paborito kong guluhin ang buhay mo? Kasi may gusto ako sayo. Goal ko talaga na maghiwalay kayo ni Diego.”

“Hindi mo deserve ang isang lalaking mama’s boy at palaging nahingi ng pera sa ama. Ika nga sa Lumang Tipan, you deserve better,” patuloy nito.

May drama pang kasunod sa mensahe ng social media personality sa aktres kasunod ng paghingi ng tawad.

“Alam ko na hindi naging maganda ang pakikitungo ko sayo for the last 3 months kaya ako’y kinasusuklaman mo. Ginawa ko lamang lahat ng ito upang magpapansin sayo,” wika nito.

“Nawa’y mapatawad mo ko upang makapagsimula tayo ng bago,” pagwawakas ng DM ni Xian.

Hindi naman matiyak kung seryoso nga ba talaga ang tinaguriang ‘Pambansang Marites’ sa kaniyang ipinadalang mensahe kay Barbie at wala pa ring sagot ang aktres dito.

Mayroon din kasi siyang ibinahaging nakatatawang video kung saan ginawan niya ng script ang nangyari kung paano raw naghiwalay ang dating showbiz couple.

Noong Biyernes, kinumpirma ni Barbie Imperial sa balita ng TV Patrol na hiwalay na nga sila ng anak ni Teresa Loyzaga at Cesar Montano.

BASAHIN: Barbie Imperial kinumpirmang hiwalay na sila ni Diego Loyzaga

Hindi na idinetalye pa ng Kapamilya aktres ang tunay dahilan ng kanilang break-up subalit naging maayos naman daw ang kanilang paghihiwalay.

Post a Comment

Previous Post Next Post