'No. 1 sa puso ko!' Ruffa kinumpirma na ang estado ng relasyon nila ni Bistek?

Umamin na nga ba si Ruffa Gutierrez tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon ni Herbert Bautista?

Ito ay matapos magbahagi ng aktres ng ilang video at larawan na kuha sa pangangampanya ni Bistek na tumatakbong senador sa ilalim ng UniTeam ni Bongbong Marcos Jr.

Ang nagpakilig sa mga netizens at mga kasamahan sa showbiz industry ni Ruffa ay ang caption ng nasabing Instagram post.

“#8 sa balota, #1 sa puso ko! (may kasamang purple heart, I love you sign, at green heart emojis),” ayon sa caption ng dating beauty queen.

Mayroon din itong hashtag na “#MySenatorMadeItToTop12” at may karugtong na “Source: Pulse Asia.”

Matagal nang napapabalita ang tungkol sa relasyon nina Ruffa at Herbert subalit wala pa itong opisyal na pag-amin o kumpirmasyon mula sa dalawa.

Marami ring netizens at kaibigan sa showbiz ni Ruffa ang natuwa para sa kanila lalo pa’t tinawag na ‘Instagram official’ na ang kanilang pag-iibigan.

Nauna nang inamin ni Ruffa na nasa ‘platonic relationship’ siya ngayon sa isang ‘special someone’ na bagama’t hindi niya pinangalanan ay kinumpirmang tumatakbo sa isang posisyon.

Noong nakaraang buwan ay muling umusbong ang tsismis tungkol sa kanila ni Herbert matapos mag-tweet ang aktres ng isang campaign poster ng dating QC mayor.

May caption itong ILY na ang ibig ipakahulugan naman daw ay ‘Internet, Livelihood, Youth’.

“ILY stands for Internet, Livelihood and Youth. I’m supporting @Bistek858‘s candidacy,” paglilinaw pa ni Ruffa sa kaniyang sumunod na tweet.

Kung matatandaan, sinabi noon ni Anabelle Rama sa isang panayam na magandang impluwensiya si Bistek sa kaniyang anak kaya boto siya sa dating alkalde.

“Gusto ko si Herbert dahil mabait siya. Guwapo at bright. Medyo maliit lang, pero okey lang,” diretsahang sagot ng nanay ni Ruffa.

[Basahin: ‘Magandang influence’ umano si Herbert kay Ruffa, ayon kay Annabelle Rama]

College Education

Ayon sa isang panayam kamakailan, si Ruffa ay nakatakdang magtapos sa kanyang college degree sa Hulyo ng taong kasalukuyan; isang taon matapos niyang kumpirmahin na nagbalik-aral siya.

Kinukuha niya ang Bachelor of Arts Degree majoring in Communication Arts sa ilalim ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program ng DepEd.

Panoorin:

Post a Comment

Previous Post Next Post