“Minamadali nyo naman ako maging lola. I hope this answers question.”
Pinalagan ng aktres na si Sunshine Cruz ang bali-balitang ‘diumano’y buntis ang kanyang anak na si Sam Cruz.
Ayon sa isang ulat, hindi raw ito ang kauna-unahang chismis na kumalat na nagdadalantao ang anak na dalaga nina Sunshine at Cesar Montano na si Sam.
Noong Disyembreng nakaraan ay dismayado rin ang ina ng tatlong dalaga sa mga espekulasyon sa isang larawan nila kung saan ay makikitang nakalagay ang isang braso ni Sam sa parteng tiyan niya.

Hanggang ngayon kasi ay ipinipilit ng mga ‘marites’ na buntis daw ang dalaga. Ito ay dahil sa mga larawan nito na halata daw ang umbok na tiyan.
May mga ilan na nagsasabing baby bump iyon at hindi basta busog lang na pagkalaki ng tiyan.
Mariing itinanggi ng aktres ang kumakalat na ‘puna’ at sinabing fake news daw ito.

Nagbanta pa nga ang aktres na piliin ng mga netizens ang nais nilang paglaruan at hindi ang anak niya lalo pa’t menor de edad pa lamang ito.
Kamakailan ay nagbahagi muli si Sunshine ng kanilang larawan kasama ang anak na sina Sam at Angelina.
Sa larawan ay mapapansin na pinag-uusapan na naman ang pangangatawan ni Sam.

Sa naturang post ay nakabihis ng green na bestida ang anak. May mga pumuna na tila may baby bump ito.
Sa comment section ay doon na inusisa ng mga Marites kung buntis ang dalaga. Sinagot naman ito ni Sunshine at sinabing tigilan na nila dahil mali ang balitang iyon.
Ipinost ni Sunshine sa kanyang IG Stories ang screenschot ng mga komento ng mga nagsasabing nagdadalantao ang kanyang anak.

Nilagyan niya rin ito ng caption na, “Minamadali nyo naman ako maging lola. I hope this answers question. I deleted some comments dahil dumarami na sila.”
“Ito ang isa sa nagiging rason kung kaya maraming tao o kabataan ang sobra kung mag edit ng kanilang mga katawan at mukha sa social media. Let’s be more sensitive towards other people. Maganding gabi,” dagdag pa niya.