Tila kumambyo si Rey ‘PJ’ Abellana sa nauna niyang sinabi na may naka-one night stand si Tom Rodriguez na siya umanong naging dahilan ng pakikipaghiwalay ng kaniyang anak sa Kapuso aktor.
Sa panayam ng GMA News, inamin ni PJ na nagkamali siya sa naunang komento tungkol sa tunay na rason ng hiwalayan nina Tom at kaniyang anak na si Carla Abellana.

“At first, may nakarating po at nalaman ni Carla na may issue na one night stand na involved si Tom,” paliwanag ng beteranong aktor.
“Si Tom naman was able to explain kay Carla na wala naman din pong katotohanan po ito at naiwasan naman din niya na mangyari ’yon. So wala pong natuloy na one night stand, according to Tom’s side,” patuloy ni PJ.
Hindi lang daw niya naipaliwanag nang maayos ang isyu kaya nabigyan agad ng hindi magandang kahulugan ng mga tao.

“’Yun po ang scenario ng issue na one night stand. Napa-short cut lang po, napa-abrupt lang po pagkasabi ko kay Nanay Cristy na napag-isipan nang masama,” wika pa ng ama ni Carla.
Inamin rin ni PJ na nagalit si Carla dahil sa nauna niyang ibinunyag at sinubukan niya rin umanong magpaliwanag sa kaniyang anak. Subalit matapos daw siyang mag-explain ay hindi na uli nagpadala ng mensahe si Carla.

Ibinahagi rin ni PJ na kinausap siya ni Tom at sinabi nitong nais niyang makipagbalikan sa kaniyang misis.
“He would cry along with his explanations and everything and he keeps on saying he wants his wife back, he wants Carla back, because he loves Carla very much. That’s why they settled down,” anang aktor.
Hiling lang umano niya na muling magkausap ang mag-asawa at subukang ayusin ang anumang gusot na namamagitan sa dalawa.

Kung matatandaan, sinabi ni PJ noong isang araw na ‘one night stand’ ang naging dahilan ng gusot sa pagitan ng mag-asawa. Gayunpaman, bilang lalaki ay nauunawaan niya raw ang kaniyang manugang na si Tom.
BASAHIN: Rey Abellana sinabing one-night stand ang dahilan ng gusot nina Tom, Carla
Panoorin ang panayam kay PJ: