Ang aktres na si Ina Raymundo ay nagbigay ng payo kaugnay sa kung paano pagtitibayin ang relasyon ng mag-asawa.
Sina Ina at Ukrainian-Canadian businessman na si Brian Poturnak ay halos 20 taon nang kasal.
Sa panayam ng KAMI, ibinahagi ng aktres ang ilan sa kanyang mga tips para sa mga mag-asawa kung paano protektahan ang kanilang relasyon mula sa pagtataksil.
Ayon kay Ina, ang pagkakaroon ng pagsisikap at patuloy na paglalaan ng panahon sa inyong relasyon ay mahalaga, pati na rin ang pagkakaroon ng quality time sa isa’t isa.

Idinagdag niya na ang pagiging bukas sa isa’t isa at pag-aaral kung paano makipag-usap ay isa ring makatutulong upang mapagtibay ang isang relasyon.
“Just try to work on your marriage, that’s number one. Kung yung health mo wino-work on mo, paano pa kaya yung marriage mo. So dapat may effort talaga. Having quality time… Communication is the key,” sinabi ni Ina sa KAMI.
Ibinahagi rin ni Ina na ang pagiging malapit sa Diyos ay maaaring makapigil sa isang tao na gumawa ng mga bagay na maaaring makasira sa kanilang pagsasama.

Higit pa rito, naniniwala siya na ang pagkakaroon ng mga anak ay maaaring makapagpataas ng emotional maturity ng isang tao dahil sa pagkakaroon ng tamang pananaw at perspektibo sa buhay.
“It helps also if you both have a relationship with God. Kasi no matter how tempting it is, alam mong palaging nagna-nudge sa’yong Holy Spirit na, ‘It’s not right.’
“Isang factor din yun, having children – it gives you the right perspective in life,” paliwanag ng aktres.

Gayunpaman, pinayuhan ni Ina ang mga tao na huwag agad manghusga sa ibang nasangkot sa pagtataksil dahil hindi nila alam ang eksaktong detalye ng totoong nangyari.
“It’s so hard to judge other people because you don’t know where they are coming from,” sabi pa niya.
Si Ina Raymundo ay isang artista at commercial model. Nagpakasal siya kay Brian Poturnak noong 2003. Ang mag-asawa ay may limang anak – sina Erika, Jakob, Mikaela, Anika at Minka.
Basahin: Ina Raymundo ibinunyag ang sikreto sa kanyang ‘ageless beauty’
View this post on Instagram