Andrea Brillantes piniling gawan ng in-game emotes ng Mobile legends

Ang Mobile Legends: Bang Bang ay karaniwang tinatawag na ML o MLBB. Ito ay isang mobile multiplayer online battle arena game na binuo at inilathala ng Moonton.

Ang layunin ng laro ay maabot ang base ng kalaban at sirain ito habang pinoprotektahan ang sarili mong base.

Ito ay naging parte na ng buhay ng maraming Pinoy pagdating sa online gaming. Marami ding streamer ang naging hobby ito dahil kumikita sila sa pamamagitan ng pag-i-stream ng laro sa Facebook.

Kumikita sila sa pamamagitan ng tinatawag na star na ibinibigay ng mga viewers bilang suporta sa manlalaro.

Ang MLBB at si Andrea Brillantes

Sa Marso 22 ay maglalabas ang Mobile Legends ng bagong set ng battle emotes na nagtatampok sa Filipino actress na si Andrea Brillantes.

Ang mga battle emote ay maaaring makuha nang libre sa pamamagitan ng in-game event na tatagal hanggang ika-3 ng Abril.

Ang unang battle emote ay maaaring makuha lamang sa pamamagitan ng pag-log in sa laro sa panahon ng event.

Siya ang kauna-unahang Pinoy star na ginawan ng emote. Ang tatlong emote na ito ay ang Mock, Finger Heart, at Fighting!

Paliwanag ng developers ng Moonton, pinili nila si Andrea dahil sa kaniyang karanasan bilang babaeng gamer.

“We chose Andrea Brillantes because she is a gamer herself. She plays MLBB and she has grown her fans in the game. She can encourage her fans to break biases or stereotypes that, say, female gamers like her are not good enough,” anila sa isang pahayag.

Nagpasalamat din si Andrea dahil napili bilang “emote” na magbibigay inspirasyon sa ibang gamers.

“Sobrang thankful and excited ako because as a gamer, this is a privilege to be part of ML games. My very own battle emotes represent me and my fellow girl gamers out there. I look forward to seeing my fans use the emotes in games and break biases,“ aniya.

Kamakailan ay napili din siya sa music video ng ML na “Tear It Off – Everyone is Awesome” na naninindigan laban sa diskriminasyon sa mga babae at LGBTQ na gamers.

Panoorin sina Andrea Brillantes, Alodia Gosiengfiao, OhMyV33NUS, at Renejay magsanib-puwersa:

Post a Comment

Previous Post Next Post