Angeline Quinto, nag-'Jowa Reveal' na sa kanyang latest IG video post

Kung noong Pebrero 18 ay mala-silhouette lamang ang nasilip na special someone ng aktres at singer na si Angeline Quinto, nitong Marso 20 ay maliwanag nang nasilayan ng kanyang Instagram followers ang soon-to-be Daddy ng kanilang magiging anak. Jowa reveal na talaga!

Sa isang video na ibinahagi ni Angeline ay makikita na ang eksenang hindi niya ipinasilip sa kanyang maternity shoot noong Pebrero.

Ginawa nilang mas extra special ang kanyang maternity shoot at sa unang pagkakataon ay ipinasilip niya ang isang larawan na kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend.

Sa kanyang naunang Instagram post ay binanggit niya katuwaang vlog nila ng Team AQ.

Aniya, “Hello Mga ka twinkle, for today’s vlog gagawin ko ang who knows me better kasama ang Team AQ. Syempre, ipapasilip ko din sainyo ang aking maternity shoot.”

Sa huling bahagi ng kanyang Who Knows Me Better vlog ay may isang maikling vid clip ng paghalik ng ‘mystery guy’ sa kanyang noo.

Naghayag rin siya ng saloobin sa kanyang IG post kaugnay sa nararamdaman niyang saya sa pagiging future mommy.

“My Maternity shoot Napakasarap sa pakiramdam na maranasan lahat ito. Lalo kasama ang mga taong malapit sa puso ko.”

Ang Taong Nasa Puso Niya

 

At eto na nga! Maliwanag nang nasilayan ang Daddy ng kanyang baby. Ipinakita na ang iba pang bahagi ng maternity photo shoot kung saan ay mababanaag ang saya ng future Dad and Mom.

Bumuhos ang pagbati, kilig  at papuri mula sa kaniyang celebrity friends at IG followers.

“Wahhhhhhhhhh (love emoji) omg love this … sana all,” mula kay Vina Morales.

“Naka ilang ulit na aq, nakakakilig talaga”

“So this is her lover, the father. Hmmmm! Guapo!!! I hope he’s guapo inside and out”

“Ang pogi pala”

“gwapo naman pala Anggie” (enojis)

Basahin: It’s a boy: Vice Ganda naghanda ng gender reveal party para kay Angeline Quinto

Sa vlog ng It’s Showtime host na si Vice Ganda, ibinahagi nito ang inihandang gender reveal party para sa kaibigan. Lalaki ang ipinagbubuntis ngayon ng Kapamilya singer.

“Siyempre, masaya pa rin ako. Masayang masaya ako, pero hindi ko inexpect talaga na lalaki. Ang buong pag-aakala ko, babae talaga,” aniya sa isang IG post.

Nagpasalamat din siya sa pamilya ni Vice na nag-organize ng gender reveal party para sa kaniya. “Guys, nakita n’yo itong moment na ‘to. Nagpapasalamat ako sa Viceral family. Alam ko na kahit wala ako sa Pilipinas, may magpapaaral sa anak ko,” biro niya.

Makisaya sa parents-to-be!

Post a Comment

Previous Post Next Post